Hindi ko maimagine na magcocollege na ako. Kasama ko ngayon ang mga classmates ko nung high school. Hindi yung dati kong kaibigan ang kasama ko ngayon. Nasa mas malayong lugar na kasi sila nagsipag-aral.
Sina Remzen, Debbie, Kaye at Samm ang mga kasama ko dahil sama-sama kaming magtatake ng entrance exam para sa college dito sa Cagayan State University o mas kilala bilang CSU.Ito ay may maraming campus sa iba't ibang bahagi ng Cagayan. Ito rin ay isang public university pero malaking unibersidad ito at kilalang-kilala hindi lang dito sa Cagayan kundi pati na rin sa Maynila.
"Girls mauna na ako sa inyo. Dito na lang ako sa may gas station bababa. See you guys!" paalam ni Remzen samin. Doon pala siya sa St. Luis University mag-aaral at magpapharmacist daw siya. Kasasabi lang niya kanina samin kaya kaming apat na lang ang magkakasama.
"Beshies anong course ang kukunin natin? Bakit pa kasi dalawang kurso ang isusulat dito, pwede naman kasing isa lang eh!" reklamo ni Samm.
"Ahm..una na lang natin ilagay yung accountancy tsaka pangalawa yung engineering" suhestiyon naman ni Kaye.
"Paano ako? Engineering ang gusto nila nanay na ilagay ko sa una eh" sabi ko.
"Eh di ilagay mo. Ano ba yan!"sagot naman ni Debbie.
"Ayoko. Pare-pareho kayo pag nagkataon tapos ako lang ang naiiba , ayoko nga. Wala akong makakasama." palabing sabi ko.
"Haist!Bahala ka dyan!" pataray na sabi ni Samm.
Nagsimula na ang exam kaya hindi na kami nagsama-sama. Kasama ko si Debbie dahil magkalapit lang ang epilyedo namin samantalang yung dalawa naman ay sa kabilang classroom sila.
Medyo nahirapan ako sa huli dahil naduduling ako. Dapat malinaw ang paningin mo para malaman mo kung anong object ang tama doon. Marami nang nagsisilabasan kaya taranta na akong nagsagot. Hindi ko na nga tinignan yung mga tanong basta nagsagot na lang ako.
Habang nasa sasakyan kami pauwi, pinag-uusapan namin ang tungkol kanina. Gabi na kami nakauwi dahil sa sobrang traffic. Kinamusta ako ni nanay kung ano yung resulta.
"O Shan anak, kamusta naman?"
"Ahm nay, ang una kong nilagay na kurso ay Accountancy at pangalawa lang ang engineering"nakayukong sagot ko.
"Bakit accountancy?? akala ko ba engineering?? Huwag ka na lang mag-aral kung ganun!".galit na sambit ni nanay.
Pumasok na ako sa kwarto bago pa nila makita ang luhang pumatak sa aking pisngi. Hindi ko naman masyadong dinamdam ang nangyari.
Makalipas ng isang linggo, enrollment na sa CSU. Sasamahan ako ngayon ni nanay at tatay. Hindi na kasi kami sabay-sabay nina Kaye at iba pa dahil ibang kurso ang kukunin nila. Ako lang ata ang mag-eengineering.
Nagulat ako nung makita ko si Debbie na nasa registrar. Pumunta agad ako sa kanya at tinanong kung pano ako makakaenroll at sinabi naman niya kung paano. Hindi ko na naitanong kung anong kurso ang kukunin niya dahil umalis agad.
Hindi ko alam ang pasikot-sikot sa university na ito kaya sinusundan ko na lang si nanay. Mas maalam kasi siya dahil ditp din nag-aral noon si kuya. Si kuya Dex ay ganap ng Civil Engineer at nagtratrabaho na siya sa Maynila. Siya din ang nagbibigay ng allowance ko.
Hindi ko naman inaasahan si Debbie na doon din siya sa Engineering department pumunta kanina. Nakita ko kasi siyang paalis na sa isang office. Pumasok kami ni nanay doon. Doon pala ang enrollment ng mga engineering students.
May isang kalbong propesor na nakaupo doon hawak ang isang papel.
"Good morning Sir. Saan po dito makakapag-enroll?"tanong ni nanay sa kanya.

BINABASA MO ANG
It Takes Time (On-going)
FanfictionIt takes time to finally found the right person.