Unexpected

245 9 0
                                    

Nasa ikatlong taon na ako sa kolehiyo. Marami mang pagsubok o problema sa school at sa bahay, nanatili pa rin akong matatag para ipagpatuloy ang sinimulan.

Ngayong taon na ito, mas lalo ko pang gagalingan dahil pahirap na ng pahirap ang mga subjects ko. Engineering is not that easy kaya kung may free time ay talagang nag-aaral ako ng mabuti. I want to achieve not only my dream but also I want to return the hardwork of my family for me.

Sobrang init ngayon ng panahon pero wala pa rin kaming tigil sa pagsusurvey ng lupa. Doon kami sa may napakalawak at matalahib na oval nagme-measure kung anong distance at direction at ilang radius ang nasa lugar na iyon. Dalawang grupo ang naka-assign. Ang grupo namin at ang grupo nina Ate Mel, mga bago kong classmates.

Seryoso akong nagme-measure ng distance mula sa puno ng mangga hanggang sa nilagay nilang bakal ng pole. Hawak-hawak ko ang measuring tape nang may lalaking papunta sa direksyon ko. Isa siya sa classmate ko pero hindi ko alam ang pangalan niya.

"Hi Shanaiah!" bati niya sa akin.

Kunot-noo ko siyang tinignan. Feeling close? Psh.

"Ah...hi?...Ahm,..may kailangan ka ba?" awkward kong tanong. Sa totoo lang, sa tagal na ng panahon..parang ngayon ko lang siya nakita bilang classmate ko. Kung titignan, hindi siya gaanong matangkad. Moreno ang kulay. Yung mga mata niyang parang may binabalak na masama. Mukha ding mayabang dahil sa postura palang niya. Ay ewan!

Kinamot muna niya ang sintido bago nagsalita.
"Kailangan mo ng tulong?"

"Eh? Hindi naman kita ka-group eh...bakit mo ako tutulungan?"

Magsasalita sana siya nung biglang sumigaw ang mga lalaking kasama niya. "Grabe Teudo, dumadamoves ka na naman dyan!Hahahaha..."

"Mga gago kayo!" sagot naman nito.

Gulat ko siyang tinignan dahil sa kanyang sinabi. Grabe ang lutong niyang magmura.

"Excuse me? pwedeng umalis ka muna dyan?"

"Ha?.Ah bakit pinapaalis mo ako?"

Bumuntong-hininga muna ako. "Kasi naman po, nakaharang kayo sa tumitingin kung ilang radius ang lugar na nasaan ako. Kaya kung pwede, umalis ka na?" pagtataray ko.

Tumawa naman siya sa sinabi ko.

'Baliw ba to? Wala namang nakakatawa sa sinabi ko ah'

"Ay sorry! hahaha...Ang sungit mo pala."

Inirapan ko siya. "Wala akong pake! Umalis ka na nga dyan! Kanina pa nagrereklamo ang mga kagrupo ko ng dahil sa'yo."

Umalis naman siya. Puro kantyawan naman ang naabot nung Teudo na iyon pagkarating niya sa mga kasamahan. Pinapanuod ko silang tinutukso ito. Nakikipagsabayan naman siya. Moron!

Konti na lang ay matatapos na kami sa ginagawa. May pumalit sa akin kaya nagpapahinga muna ako sa ilalim ng mangga. I don't mind the person whose sitting beside me. Guess who? Yeah right, it's Teudo.

Kinukulit niya ako kanina pa pero di ko siya pinapansin. Kung ano-ano ang pinagsasabi kesyo daw masungit at mataray ako pero  maganda pa rin, at higit sa lahat!

"Shanaiah...gusto kita." Watdapak is he saying? He is really insane.

"At bakit mo naman ako nagustuhan aber?"

Ngumiti siya at parang sayang-saya siya. "Ang ganda mo kasi."

Psh! Mga lalake talaga. Kung magaganda, nagugustuhan agad pero pag mapapangit na hindi. Ni hindi nila makuhang kausapin manlang.

"Gusto mo ako?" sabay turo sa sarili. Tumango naman siya. "Gusto mo ako dahil maganda ako?" tumango ulit siya. Natatawa akong umiiling dahil sa kanyang sagot.

It Takes Time (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon