Chapter 5: A Dance with You

1.2K 51 4
                                    

Chapter 5: A Dance with You

---- -- ----


MANA LOUISSE TACHIBANA

I don't have any idea why August's staring at me like that. I was so shocked I wanted to run away but I continued to sing. Nanginginig ang mga kamay at tuhod ko. Mahigpit ang hawak ko sa microphone, doon na lang kumukuha ng lakas. My heart beat started to thump like crazy.

What does that stare mean? Why are you looking at me like that? Why... Do I deserve to be looked like that by you?

Pagkatapos kong kumanta, malakas na tilian ang narinig ko. They shouted my name. They worshipped me like a god.

Deserve ko ba ang mga ito? Isa lang naman akong babaeng may lahing Japanese na nag transfer sa Inori Academy noong grade 6. Babaeng marunong kumanta at tumugtog ng iba't ibang instruments.

Bakit gustong-gusto nila ako?

Nag-init ang mga mata ko sa nagbabadyang luha dahil sa saya at tuwa. Mariin kong kinagat ang aking labi at bumaba ng stage. Bumigay ang kanina pang nanginginig at nanghihinang mga tuhod ko.

"Mana!" Narinig kong tawag sa akin ni Jared, member ng Music Club na naghihintay sa gilid ng stage.

Nahawakan niya ang braso ko bago ako matumba. Ang mga estudyanteng nakasunod pa rin ang tingin sa akin ay nakita ang muntik ko nang pagtumba.

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang lumapit si Yuta sa akin.

Ngumiti ako sa kanila. "Ayos lang. Nanginig lang ang mga tuhod ko."

"Oh? Bakit parang iiyak ka?" tanong ni Jared.

Tumawa ako. "Wala. Masaya lang!" sagot ko at binitiwan na niya ang pagkakahawak sa aking braso.

Sumulyap ako sa direksyon ni August. Katabi niya ang kanyang kambal na si July. Nakasuot ito ng pulang dress. Si August ay nakatuon lang ang mga mata sa table habang ang kanyang kambal ay nanunuring nakatitig sa kanya.

Pinagmasdan ko ang itsura ni August sa malayo. Napabuntong-hininga na lamang ako sa kagwapuhan niya. Kahit hindi nakaayos o nakawax ang kanyang itim na buhok, kahit messy iyon, imbes na pumangit siya, mas lalo siyang naging gwapo. Alam kong hindi lamang sa paningin ko kung 'di pati sa ibang babae. Nakikita ko ang madalas na pagtitig nila kay August at mabilis silang iiwas kapag titingin ang lalaking mahal ko sa kanila.

There is a small scar on his left brow. Siguro dahil sa mga away na naganap sa buhay niya. Nakakasindak ang palaging nakasimangot, bugnutin, at maangas niyang mukha. Pero ang mukhang din iyon ang nagpapabilis sa tibok ng puso ko. Ang mga perpekto at makakapal niyang kilay at pilik-mata, ang matangos niyang ilong, ang maliit, mapula, manipis, at kissable niyang mga labi...

Napalunok ako at pakiramdam ko, biglang nag-init ang mukha ko.

"Ganda mo talaga," bulong sa akin ni Yuta at biglang hinawakan ang aking baywang.

Nailang ako sa paraan ng pagbulong at paghawak niya sa aking baywang. Hinayaan ko siyang samahan ako pabalik sa table ng class 2-1. Nang tumabi ako kina Gio at Ace, pumunta na siya sa table nina August.

"Kinilabutan ako sa boses mo. Ang ganda," papuri sa akin ni Ace.

I smirked at him. "Isa ka ba sa mga estudyanteng tumili at sinigaw ang pangalan ko kanina?"

"Syempre. Ang galing mo kaya." Tumawa siya.

"Nainlove ka na sa akin?"

Naubo siya. Hindi siya makatawa ngayon. "Inlove agad? Humanga, oo... pero..."

Be the Delinquent's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon