Chapter 41: The Confession of the Delinquent

656 30 1
                                    

Chapter 41: The Confession of the Delinquent

---- -- ----


MANA LOUISSE TACHIBANA

"Sa tingin ko, ako ang unang nagkagusto sa'yo. Hindi ikaw. Mas matagal na kitang gusto."

Dahan-dahan, nilayo ni August ang mukha niya sa akin para magkausap kami nang maayos. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa aking mga kamay. May hihigpit pa pala sa paghawak niya sa akin kanina. Pakiramdam ko, wala nang dumadaloy na dugo sa mga kamay ko at namumuti na iyon dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Hindi sa hindi ko gusto, ah. Ang sarap kaya sa pakiramdam ng hawak niya. Iyong init na nagmumula sa mga palad niya, kumikiliti sa puso ko.

Unti-unting namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.

"It couldn't be. Ako kaya ang una!" apila ko. "Paano mo nasabing ikaw? Ako iyon kasi grade 6 pa lang, crush na kita!"

Ngumisi siya at ang gwapo niya sa itsura niyang iyon. Swear!

"Alam mo bang gusto na kita noong unang araw mo pa lang sa Inori Academy bilang transfer student?" panimula niya at umawang ang aking bibig. "Sinilip ka namin ni July sa classroom mo at alam ko sa sarili kong nagustuhan na agad kita sa unang tingin pa lang pero in denial ako dahil kay Mariko. Napagtanto ko lang iyong feelings ko para sa'yo noong bago ako mag birthday."

"Are you serious...?" hinahapo kong tanong, hindi talaga makapaniwala. "After so many years of liking me, no, loving me defiantly and unconsciously... you just realized last August about your feelings about me?"

"I'm dead serious, baby." He smiled and that took my breath away. "Wait, let me correct what I've said. I just accepted last August about my feelings for you. All along I thought I loved Mariko. No... I really loved her... noong wala ka pa."

Naramdaman kong nangilid ang maiinit na luha sa aking mga mata. Ngumiti siya. Iyong ngiting sobrang nagpakabog sa puso ko.

Nagpatuloy siya sa kanyang sinasabi.

"But you came along in my life like a thunderstorm that shook me to core," he confessed. "I fell for you the first time I laid my eyes on you. Baby, you are a star, a sun that lights me up."

My tears fell from my eyes. I couldn't keep my eyes open because right now, he was the one that was shining like a star... like a sun.

Naramdaman kong dumapo ang mga daliri niya sa aking pisngi para alisin ang maiinit na luha. Huminga siyang malalim. Nanginig ang boses niya nang magsalita ulit.

"I-I tried to stop my feelings for you so sometimes, I bullied you. But every damn time I saw the hurt in your face, I wanted to punch myself. Sino ako para i-bully ang nag-iisang pinaka magandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko? Sino ako para saktan si Mana Louisse Tachibana? Tangina, baby, promise, gigil na gigil ako sa sarili ko kapag nasasaktan kita..."

"Umiiyak kaya ako palagi sa tuwing nasasaktan mo ako," lumuluha at nakapikit na sabi ko, inaalala ang mga pangbubully niya sa akin noon.

He dramatically gasped.

"I did a lot of horrible things to you... but now... please... let me treat you right." I felt him kissed my forehead and I softly smiled. "Let me love you."

Tuloy tuloy ang pagbuhos ng mga luha ko. Patuloy din ang paghalik niya sa bawat sulok ng aking mukha na nadadaanan ng luha ko.

This is the most heartfelt conversation I've ever had. At kung may papalit man dito sa hinaharap, sigurado ako, maaalala at babalik balikan ko ang araw na ito.

Be the Delinquent's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon