Chapter 35: Proud of You

657 28 1
                                    

Chapter 35: Proud of You

---- -- ----


MANA LOUISSE TACHIBANA

"Wow. A ponytailed Mana is very rare. Kaya excited palagi ako kapag Culture Festival dahil inaantay ko ang ganitong ayos mo," sabi ng katabi kong si Rocco habang inaayos namin ang pila para sa gaganaping parade mamayang alas otso ng umaga.

Pabiro ko siyang inirapan. Hinawakan ko ang palapulsuhan ni Gio para ayusin siya sa pila dahil para lamang siyang robot na nakatayo at walang pakialam sa mundo. We were all wearing our royal blue P.E uniforms with red cloth headband around our heads and long red balloons in our hands.

"Iba 'yong ganda ni Mana kapag nakatali ang buhok niya, hindi ba, Gio?" nakangising tanong ni Rocco.

Binigyan ko ulit siya ng pabirong irap bago tingnan ang reaksyon ni Gio. Inaasahan ko na ang poker face niyang mukha pero iba ang nadatnan ko.

"Mmm. She looks innocently beautiful when her hair is tied up," he answered in a whisper.

He was looking at me. No.

He was staring at me with soft and glimmering eyes that made me blush.

May mga nakarinig na kaklase naming nakapila. Isa-isa silang nagpahayag ng pagkamangha at gulat sa sinabi ni Gio.

"Ngayon ko lang narinig mamuri ng babae si Giovanni, ah?"

"It means Mana is so gorgeous that even the great, timid, and quiet prince charming is praising her!" Shannon shouted that made the other class who were currently standing on line beside turned to us. "Giovanni Steffon Cervantes has been charmed by our Mana!"

Nahagip ng mga mata ko ang pagkunot ng noo ni Gio at ang pagkibot ng kanyang labi. He immediately looked down just so he could avoid the stares from others.

Sa mga matang nakatingin sa amin, nakita ko ang isang pares ng mga matang sobrang pamilyar sa akin. Ang mga matang ngayon ay naniningkit dahil sa rasong ayaw ko na lang pangalanan.

Napakagat ako ng labi nang magkatitigan kami. Para akong isang pusang nakakita ng nanggagalaiting tigre.

He heard what Shannon said. That's why he was looking at me like that.

Umiwas na lang ako ng tingin. Kapag tinagalan ko pa ang titigan namin, baka bumigay na ang puso ko sa pinaghalong tuwa at takot.

Tuwa dahil ang bilis niyang magselos. Parang iyon lang?

Takot dahil baka i-bully na naman niya ako. Nagiging isip bata siya kapag nagseselos, eh.

I glanced at Gio again who was still looking down.

"Hindi ko alam na inosente pala ang tingin mo sa akin kapag nakatali ako ng buhok," mahinang sabi ko.

And his cheeks blushed a bit!

Natawa ako sa naging reaksyon niya kaya wala sa sarili kong pinisil ang pisngi niyang nag-iinit.

And I swear, I felt like someone just cursed me from afar.

Napatikhim ako at nilubayan na lang si Gio para ituloy ang pag-aayos ng mga kaklase kong wala sa maayos na pila.

"Are you enjoying it?"

Napatigil ako nang bumulong sa akin si Erza. Hindi siya nakatingin sa akin. Nasa harapan ang paningin niya. Mariing nakasara ang bibig. Madilim ang ekspresyon.

Be the Delinquent's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon