Chapter 39: Baby, I'm yours

692 27 4
                                    

Chapter 39: Baby, I'm yours

---- -- ----


MANA LOUISSE TACHIBANA

Sunday. Day 2 of the Culture Festival has arrived. It is now open to the public.

Umaga pa lang ay nagsimula na ang pagbubukas ng iba't ibang booths at stalls ng bawat class sections at clubs. Dumaan muna ako sa Music Club room para kumustahin ang events namin sa araw na ito.

The tension inside was thick. It's almost suffocating. Napatingin sa akin ang lahat pagpasok ko pero ang buong paningin ko'y nakatuon sa isang pares ng mga matang nakatingin sa akin.

Mga matang nagdadamdam. Mga matang galit.

Iniwasan ko na lang ng tingin si Ate Airi at dumiretso sa pwesto nina Shannon at Iesha na kapwa pinagmamasdan ako. Nag-aalala ang mga mukha nila at parang may gusto silang sabihin pero naunahan sila ng nakakainis na boses ng aming President.

"Dumating na pala ang reyna," sabi niya at ang iba sa mga babaeng kaedad niya ay tumawa.

Napairap ako sabay buntong-hininga. Gusto ko sanang patulan kaso hinayaan ko na lang. Umagang-umaga. Ayaw kong masira ang araw ko. At isa pa, may respeto pa rin ako sa kanya dahil senior ko siya.

Nakakalungkot lang dahil humantong kami sa ganito. Just because she's jealous of me.

"Nasaan si Erza?" tanong ko pagkatapos ilapag sa sahig ang bag at lumuhod sa tabi nila para tumulong sa paghahanda sa aming event.

Nakasimangot na nginuso ni Shannon ang direksyon ng kaibigan namin. Sinundan ko iyon at nakitang kasama siya sa grupo nina Ate Airi. Nang magtama ang mga mata namin ay umismid siya bigla.

Okay, what now? Isa na rin ba siya sa mga haters ko?

"Bigay mo 'yan sa reyna natin. Late na nga siyang dumating tapos hindi pa siya tumutulong nang maayos. Ang konti ng ginagawa niya," si Ate Airi.

Nagtiim-bagang ako. Nagpalitan kami ng mga iritadong tingin nina Shannon at Iesha.

Lumapit ang isang freshman member namin sa akin para ibigay ang malalaking banner na dapat idikit sa dingding ng clubroom. Kinuha ko iyon sa kanya. Tabingi ang ngiti niya sa akin na para bang nahihiya o napipilitan lang siyang ibigay sa akin ang trabahong iyon.

Hindi naman ako makangiti pabalik. Nag-iinit na ang dugo ko sa iritasyon.

Tumayo ako para simulang idikit ang mga banner. Tumayo rin si Iesha para tulungan ako sa pagdidikit.

"Oh! Gamitin mo iyan!"

Naglakad ako sa gitna ng clubroom nang bigla akong matalisod dahil may hinagis si Ate Airi sa bandang paa ko. Isang malaking adhesive tape.

What the fuck!

Agaran ang hawak sa akin ni Iesha sa braso para hindi ako matumba. Dumalo rin si Shannon sa akin, nanggagalaiti ang mukha habang masamang tinitingnan ang grupo nina Ate Airi.

Natahimik ang buong clubroom at ang tawa lang ng President namin ang umalingawngaw.

I looked up and tightly shut my eyes closed. I clicked my neck to the side and glanced at her using my stone cold eyes.

"Are you a 12 year old little girl?" I snapped and she stopped laughing. "Kung makaarte ka, parang hindi ikaw ang mas matanda sa akin. Parang hindi ikaw ang President ng Music Club. I'm disappointed, Ate Airi. I really didn't know you're this lame," I told her and I gave Erza a quick glance.

Be the Delinquent's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon