Chapter 42: Not a Damsel in Distress

636 23 0
                                    

Chapter 42: Not a Damsel in Distress

---- -- ----


AUGUST CONSTANTIN ONGPIN

Ito na ang pangatlong beses na nakita ko siyang nakatali ng ponytail. Noong unang dalawang beses ay noong Culture Festival.

"Wow... Ang ganda naman ng girlfriend ko. Sa akin ka ba talaga? Girlfriend ba talaga kita?" sabi ko, namamangha.

Pero ngayon ko lang nasabi kung gaano siya kaganda ngayon sa ayos niya. She looked magnificent. Fresh.

Ngumuso siya kasabay ng pagpula ng kanyang mga pisngi. Nagkatitigan kami habang magkaharap na nakatayo sa kanilang gate. I took my time to memorize every feature of her beautiful face. Medyo hinahangin pa ng pang-umagang hangin ang kaunti niyang bangs. Pansin ko rin ang kulay pink niyang liptint. Mas kumapal ata iyon?

Umawang ang aking bibig at napatagal ang titig ko roon.

"Si Tito?" tanong ko para madistract ang aking isipan sa gusto niyang gawin sa labi ni Mana.

Tangina. Ang aga-aga pa pero gusto ko nang halikan si Mana!

"Nauna na siyang umalis. Palaging maaga iyon sa school, eh. At saka alam naman niyang susunduin ako ng boyfriend ko..." mahina niyang sabi.

Namilog ang mga mata ko. Boyfriend? Ako?

"Sinabi mo na kay Tito ang tungkol sa atin?"

Tumango siya.

"Oo. Kahapon lang. Ang sabi kasi ni Gio, kailangan ko na sabihin bago pa mag resume ang klase. Baka raw magtampo iyon kapag pumutok ang balita tungkol sa atin tapos sa iba pa niya malaman," paliwanag niya at saka may inabot sa aking paper bag. Oh! That's... "Hindi kita nagawan ng bento noong nakaraang buwan dahil masyado akong busy sa Culture Festival. Kaya ngayon... itutuloy ko ulit. Babawi ako. Sana magustuhan mo."

Ang laki ng ngisi ko nang tinanggap ang paper bag. Ang bigat no'n at parang mas marami ang laman kumpara noon.

"Salamat, baby ko! Lahat naman ng galing sa'yo, magugustuhan ko! Sino ako para hindi magustuhan ang mga bigay mo?" sabi ko.

She lightly and jokingly smacked my shoulder. I laughed.

"Sus! Ayan palagi ang sinasabi mo! Bolero!"

Mas lalo pa sana ako hahalakhak nang husto kung 'di ko lang nasulyapan ang mga puting bulaklak sa isang kamay niya.

Natigilan ako. Umasim ang aking mukha. Mukhang alam ko na kung sino ang may bigay no'n. Isa lang naman ang nagbibigay sa kanya ng ganoong klaseng bulaklak!

Nang mapansin ni Mana na nakatingin ako sa mga bulaklak ay bigla siyang lumapit sa akin. Dahan-dahan akong tumingin sa kanyang mukha nang haplusin niya ang braso ko, tila pinapakalma ako sa nalalapit na pagsabog.

"Daddy found this outside our gate. It was from Urie, I know," nag-aalala at parang takot na takot niyang sabi. "Pinag-iisipan ko kung tatanggapin ko ba ito at ilalagay sa vase sa altar ni Mommy kagaya ng nakasanayan o ibabalik kay Urie. Kaso... kaso... I feel bad. Iniwan ko siya sa infirmary noong nakaraang buwan when he had panic attack. The nurse told me that he kept calling out my name and I wasn't there to feel him better. To comfort him. I'm feeling guilty... and... I really can't push him away. Alam kong nagseselos ka sa kanya at galit na galit ka pero ayaw kong masaktan si Urie. Hindi ko kaya..."

Naramdaman ko ang panginginig ng kanyang kamay na humahaplos sa akin. She was the one feeling bad yet she was still consoling me. She was afraid that I would get mad again like the last time when I saw her holding a bouquet of white roses. That I would shout at her again.

Be the Delinquent's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon