Chapter 50: Inferiority Complex

659 26 3
                                    

Chapter 50: Inferiority Complex

---- -- ----


AUGUST CONSTANTIN ONGPIN

Naging big news ang relationship namin ni Mana.

Ganoon ba talaga kapag sikat na sikat ang naging girlfriend ko at maraming humahanga? Kapag hindi pasok sa standard nila ang boyfriend ng "idol" nila, magsisimula silang i-kwestiyon ang buong pagkatao ng lalaki?

Mamaliitin nila?

Pagtatawanan?

Pero hindi ko pinagsisisihan ang pagiging open namin sa public ni Mana. Ang tanging backlash lang ay iyong natatanggap kong criticism sa ibang tao. Noon, wala akong pakialam sa mga negative comments nila, pero ngayon... parang pinipiga ang puso ko. Nanliliit ako. Nahihiya ako para kay Mana dahil ako ang naging unang boyfriend niya.

Sa unang pagkakataon, hiniling kong sana ay hindi ako ganito... Sana naging maayos at kagalang-galang akong lalaki. Matalino. Tahimik. Swak na swak sa taste ng mga babae.

Kagaya ni Gio.

Kaya ngayon, kahit anong pangit at masamang salitang binabato nila sa akin habang nakaupo ako bleachers, hindi ako sumasagot. Hindi ako nakakaimik dahil sobra akong apektado.

"Shut your fucking mouths!" a familiar, too familiar voice growled somewhere.

Napatunghay ako mula sa pagkakayuko at nakitang namumula sa galit si Mana sa aking harapan. Nanlilisik ang mga mata niya habang tinitingnan ang mga estudyanteng nasa kabilang bleachers at kung anu-ano ang sinasabi sa akin.

"M-Mana..." tawag ko pero hindi siya lumingon sa akin.

Napalunok ako at inabot ang kamay niya. Nanginginig iyon sa sobra-sobrang galit na nararamdaman. Her eyes were bloodshot. Her nose flared. Her lips quivered and she bit it angrily.

Yuta was beside her, looking all serious. My heart thumped crazily inside my chest. Fuck!

"Who are you to judge a person? Huh? Who are you to say that he doesn't deserve me? Huh?" Mana asked violently.

"Well, hindi ka naman talaga niya deserve!" a girl retorted.

"You have no right to say that! Right into my fucking face!"

"Fuck, right! Mga magulang ba kayo ni Mana para sabihin iyan? Kaming mga kaibigan nga niya, hindi nangingialam! Kayo pa kayang mga nobody lang sa buhay niya!" nakisali na rin si Yuta sa away.

Tumayo ako at tumabi kay Mana. Hindi na maipinta ang kanyang mukha. Ilang beses ko na siyang nakitang nagalit at nakipag-away sa iba pero iba itong ngayon. Sukdulan ang galit niya para sa mga estudyanteng nagsasabi ng hindi maganda sa akin.

This is the first time I've seen her raging mad.

Someone from the group stood up. The girl smirked mockingly at me first before she turned to Mana.

"Alam mo, Mana, kung si Gio ang naging boyfriend mo... hindi kami magugulat. Bagay na bagay kayo. Pero si August..." she trailed off and to our surprise, they all laughed at me. I gritted my teeth and stared at my feet. Mana tensed beside me. "Iyang si August na basagulero? Walang utak? Iyang lalaking 'yan ay gusto at mahal mo? That delinquent doesn't deserve you! Hindi kayo bagay! Hihilahin ka lang niya pababa! Ang lahat ng mga bagay na maganda sa'yo ay dudumihin niya! Wala siyang kwenta! Puro away lang ang alam niya! Anong nakita mo sa gagong 'yan?"

Hindi ko namalayang humihigpit na ang pagkakahawak ko sa kamay ni Mana. Mabilis kong inalis ang kamay ko sa kanya dahil alam kong nasasaktan ko na siya ngunit ngumiti lang siya sa akin nang magaan.

Be the Delinquent's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon