Chapter 6: The Most Beautiful Girl

1.2K 49 1
                                    

Chapter 6: The Most Beautiful Girl

---- -- ----


AUGUST CONSTANTIN ONGPIN

Niyaya ko ng sayaw ang pinaka magandang babae sa Inori Academy. Ang babaeng tinitilian at hinahangaan ng lahat. Ang babaeng sikat na sikat at palaging bukam-bibig ng lahat.

The most beautifil girl—Mana Louisse Tachibana.

Matagal tinitigan ni Tachibana ang kamay kong nakalahad sa kanya. Nakanganga siya at nanlalaki ang mga mata. Parang nakakita ng multo. Gusto kong tumawa dahil sa reaksyon niya pero dinadaga ang lintik kong dibdib. Hindi ko magawang humalakhak.

Nagsimula na ang kanta pero hindi pa rin niya kinukuha ang kamay ko. Hindi pa rin kami sumasayaw.

...Puso kong di mapalagay

Pwede ba kitang tabihan

Kahit na may iba ka nang kasama...

Humugot ako ng hininga at mas lalong nilapit sa kanya ang aking kamay. Nagugulantang siyang tiningnan ako sa mga mata.

"Ano? Nangangawit na ako. Nagsisimula na iyong kanta. Hindi ba tayo sasayaw?" Kumunot ang aking noo.

Hirap na hirap siyang lumunok. "Pero... bakit gusto mo akong makasayaw?"

"Wala lang." Nagkibit balikat ako.

Iiwas dapat ako ng tingin dahil parang sumakit bigla ang tiyan ko pero nilakasan ko ang aking loob at tinitigan din siya pabalik.

"Wala lang?" Naninigurado ang boses niya. "Dapat may reason kung bakit gusto mong isayaw ang isang tao. Isasayaw mo siya kasi kaibigan mo siya. Isasayaw mo siya kasi naiinis ka sa kanya at gusto mo siyang asarin. Isasayaw mo siya kasi naaawa ka sa kanya kasi walang gustong isayaw siya. Isasayaw mo siya kasi crush mo siya. Isasayaw mo siya kasi gusto mo siya. Isasayaw mo siya kasi mahal mo siya," sabi niya sa mabilis na paraan.

Nalaglag ang panga ko. Tapos bigla akong natawa.

...Ito na ang gabing di malilimutan

Dahan-dahan tayong nagtinginan...

"Ang daldal mo pala, ano?" sabi ko.

Namula ang mga pisngi niya sa pagkapahiya. "Pero imposible namang puntahan mo pa ako rito sa backstage para lang isayaw ako tapos walang kang dahilan. Siguro..."

Napalunok ako. "Siguro...?"

"Siguro ay gusto mo lang akong asarin kasi naiinis ka sa akin? Kaya isasayaw mo ako?" patanong niyang sagot.

Pumikit ako at tumawa ulit. "Lintik ka! Kung anu-ano pang sinasabi mo!" Dumilat ako at ako na mismo ang kumuha ng kamay niya at pinatong iyon sa nakalahad kong kamay.

"Tara. Sayaw na tayo."

Para akong tinamaan ng kidlat nang maghawak ang kamay namin.

She blinked nervously. Many times. "A-August, sigurado ka?"

Tinawag na naman niya ako sa pangalan ko. Tumikhim ako. Sumulyap ako sa paa niyang walang suot kahit ano. Agad kong tinanggal ang aking black shoes. Lumuhod ako.

...Parang ating ang gabi

Para bang wala tayong katabi...

"Suot mo 'to. Baka madumihan o masugatan ka kapag nagsayaw tayong nakapaa ka lang," bulong ko.

Be the Delinquent's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon