Chapter 11: From the Sidelines

1K 34 1
                                    

Chapter 11: From the Sidelines

---- -- ----


MANA LOUISSE TACHIBANA

Flashback. Freshman Middle School.

Nang maging first year middle school ako, mas lalo akong naging kilala. Hindi ko inakala na magiging sikat ako sa buong Inori Academy. Noong una akala ko ay pansinin ako dahil transferee ako at may lahing Hapon. Pero isang taon na ang lumipas, hindi pa rin sila nagsasawa sa akin. The students, even the teachers, are treating me with favoritism which I think is not good. It's weird and somewhat uncomfortable but it makes me happy.

Hinahayaan ko na lang ang magandang trato nila sa akin. Tinatanggap na may malaking ngiti.

"Hey..."

Humikab si Gio sa screen habang nakasaksak ang earphones sa magkabilang tenga niya. Medyo maga pa ang kanyang mga mata tanda na kagigising niya lang. Nakasuot siya ng pajamas at magulo ang buhok. Bukas ang lahat ng ilaw sa loob ng kanyang kwarto.

"Naghilamos ka na ba bago makipag-usap sa akin?" Natawa ako at nilapit ang aking cellphone para magkakitaan kami nang malapitan.

Humikab ulit siya. "Yes."

Inayos niya ang screen ng kanyang laptop para mas makita ko ang kabuuan ng kanyang mukha. Nakahiga pa rin siya sa kanyang kama at nakapatong ang laptop sa kanyang dibdib.

"Sorry. Masyado bang maaga ang tawag ko? Alas kuwatro ng hapon na rito sa Pinas."

"It's fine."

"Anong oras na diyan sa Washington?"

Humikab ulit siya. Nakonsensya tuloy ako dahil ako ang dahilan kung bakit nagising siya sa mahimbing niyang pagkakatulog. Masyado pang maaga sa usual na gising niya. Tinawagan ko kasi siya dahil namimiss ko nang kausap ang best friend kong ito.

"It's 4 AM," he replied sleepily.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. "Tapusin na kaya muna natin itong video chat? Mamaya na lang ako tatawag. Matulog ka muna ulit."

He shook his head. "No, it's fine, really. I have class later so I can't talk to you," he said lazily. "So, what's up?"

Agad akong napangiti. Sa totoo lang ay mas gusto kong kausap si Gio kapag bagong gising. Madaldal kasi siya kapag kagigising lang.

"Gising na ba ang grandparents mo? Your cousins?" tanong ko.

"You wake me up just to ask about them?"

"I just want to ask. Miss ko na rin sina Lolo at Lola," sabi ko at bumuntong-hininga.

I'm close with the Cervantes. Yearly ay umuuwi kami rito sa Pinas para magbakasyon. Ang malaking bahay nina Gio ay katapat lang namin. Siya ang unang naging kalaro ko. Siya ang kaibigan at nagiging kalaro ko kapag umuuwi kami rito. Madalas ako sa bahay nina Gio dahil malaking pamilya ang mga Cervantes. Marami siyang pinsan na malapit sa edad namin na minsan ko ring nakakasama.

I have cousins from my father's side whose house is close to ours. Sina Shou at Izaya pero masyadong masungit si Shou para makipaglaro sa akin. Izaya is too young. Hindi siya makasabay sa mga gusto ko.

Gio and I are compatible with each other. Mahal ko 'yan kahit sobrang tahimik at madalas ay parang wala akong kasama.

"Mamaya sasabihin ko sa kanilang tumawag ka. Baka magpadala sila sa'yo ng mga laruan."

Be the Delinquent's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon