Chapter 20: He's Calling Her "Mana"

1K 42 1
                                    

Chapter 20: He's Calling Her "Mana"

---- -- ----


MANA LOUISSE TACHIBANA

I was nervous the whole day. Gusto kong batiin si August ng Happy Birthday pero hindi ko magawang lumapit. Palagi akong pinapangunahan ng kaba.

Dumagdag pa ang mga taong nakapalibot sa kanya. Nagulat ako nang mas marami kumpara sa mga nakaraang taon ang nagbigay sa kanya ng regalo galing sa mga babaeng mula sa iba't ibang year.

Alam ko namang gwapo at malakas ang dating niyan ni August. Pero hindi ko inaakalang maglalakas loob silang batiin siya gayong halata naman ang kaba at takot sa mga mukha nila. Everyone knows how bad-tempered August is. Pumapatol 'yan sa babae. Kahit sino ay matatakot lumapit kapag alam mo ang temper ng isang August Constantin Ongpin.

But I couldn't believe it when I saw how the girls smiled at him despite the fear they were feeling. Para lang mabati siya. Kasi sa kaibuturan ng puso nila, kahit gaano man kasama ang ugali ni August, deserve niya ang appreciation and love.

I was happy when I saw the enjoyment on his face. Well, I felt a little bit of jealousy.

Ikaw, Mana? Kailan ka ba magiging matapang na harapin ang lalaking mahal mo? Ilang taon na ang lumipas, hindi ka pa rin umaalis sa kinalalagyan mo. You're too overwhelmed to take one step closer to August.

When will you brave?

When will you step out from the sideline?

Pagkatapos kong kausapin si Mommy ay tumayo na ako sa altar at lumabas ng bahay. Nakapagluto na ako ng pagkain para kay Daddy. Para kakain na lang siya pagkauwi galing school. Nag-iwan ako ng note na nagsasabing umalis muna ako at pumunta sa bahay ng kaibigan. Balak kong pumunta kina August para sana makasilip man lang. Kung magkakaroon ako ng lakas ng loob, baka mabati ko pa siya.

Sa mga nagdaang birthday niya kasi ay hindi ko siya nabati. Hindi naman kasi kami close at nag-uusap! Ngayon, feeling ko ay may nag-iba. May nagbago. May improvement sa aming dalawa. Kaya gusto ko siyang batiin.

Paglabas ko'y nagulat ako sa mga pamilyar na taong nakita ko sa harapan ng gate. Mukhang kanina pa sila rito at nagdadalawang isip pa kung pipindutin ang doorbell or hihintayin na lang akong lumabas.

"Miss Mana..."

Napalunok ang isa sa apat na ka-gang member ni Urie.

"Bakit kayo nandito?" mahinahon kong tanong.

Napasulyap ako sa malaking paper bag na hawak ng isa. Sa loob noon ay kitang-kita ko ang bouquet of white roses. Napakagat ako ng labi.

Ganito palagi. Simula noong nakilala ko si Urie noong nakaraang taon, palagi na lang niya akong binibigyan ng bouquet of white roses na pinapadala niya sa mga ka-gang member niya. He's indirectly courting kahit hindi ko naman siya binigyang permiso!

"Pwede ka raw pumunta sa tambayan namin? Gusto ka makita ni Boss."

Umiling agad ako. "Sa susunod na lang, pwede? May pupuntahan kasi ako."

"Kasi... ano, e..." Napakamot sila sa ulo. "Lagot kami kapag hindi ka namin nadala sa kanya ngayon. Gustong-gusto kang makita."

"Kung gusto niya akong makita, siya mismo ang pumunta rito," sabi ko at agad namang na guilty dahil alam kong hindi niya iyon kaya. "Hindi talaga ako pwede. May pupuntahan ako."

Be the Delinquent's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon