Chapter 47: Okay, Baby Ko?

588 26 0
                                    

Chapter 47: Okay, Baby Ko?

---- -- ----


MANA LOUISSE TACHIBANA

Makikipag-usap si August kay Mariko? Tungkol saan?

Napahilot ako sa aking sentido nang mabasa ang text ni August sa akin. Katatapos lang ng meeting ko kasama ang lahat ng gustong tumakbong president at mga current presidents ng clubs. Marami kaming pinag-usapan. Tungkol sa candidacy, sa voting, sa mga platforms na gusto nilang isulong, at opinions ng mga current presidents sa papalit sa kanila.

Ngayong araw ay talagang inayawan ko na ang pagiging susunod na Miss President ng Student Council. Ginawa kong sandata ang pagkatanggal ko sa top 2 para ayawan ang posisyon kagaya ng hindi ako makakapag pokus masyado sa pag-aaral kung tatanggapin ko ang pagiging Miss President, kung manalo man ako. Sinabi kong hindi ko pa kaya ang ganoong kalaking responsibilidad. Rocco was really disappointed about my decision but Ate Shinoa and Kuya Jion accepted it objectively.

Isa na iyon sa nabawas sa iniisip ko. At ngayon... itong nangyayari sa amin nina Ate Airi at Erza ang gusto kong maayos.

Ibinulsa ko ang aking cellphone at lumabas ng conference room para makausap silang dalawa. Ate Airi wants Erza to become the next Music Club President and she will be my rival for the upcoming candidacy. Ilang beses pinilit nang patago ni Ate Airi ang kagustuhan niyang maalis ako sa pagpipilian dahil sa matinding galit niya sa akin ngunit napagsabihan siya ni Ate Shinoa.

"Don't include personal issues on this important matter, Airi," our great Miss President said to her that made her shut up like a puppy.

Gusto ko na lang mapairap at mapakamot ng ulo. Ang... petty talaga kasi niya. Pero kahit ganoon, hindi ko magawang magalit sa kanya nang lubusan. Sa kanila ni Erza. At sa mga haters ko.

Nilalabanan ko sila, oo, pero dahil iyon sa ayaw kong manahimik na lang at magpa bully sa kanila. Lumaki akong lumalaban... kahit pa ang totoo ay hindi ako malakas. Hindi ako matapang. I was just trying to act like one because my mother taught me to stand tall and fight. To always smile... even if it's hard and painful.

"Wait!" sabi ko at nilakihan ang aking lakad para matapatan silang dalawa.

Ate Airi looked really offended by what I did. They stopped walking and glared at me with an obvious annoyed expression.

I gulped.

Okay, I will just try to talk to them calmly. To reach them out.

"Ano?" maangas na tanong ni Erza na para bang naghahamon ng away.

Same old Erza, huh? She's such a tomboy.

"I know you're upset—" I got cut off.

"We are not upset. We are angry at you," Ate Airi spat.

"At ano pa? Anong pang nararamdaman niyo sa akin?" marahan kong tanong.

Pinagtitinginan kami ng mga dumadaang tao galing sa conference room. Pero mukhang hindi lang ako ang may walang pakialam kung makita o marinig nila kami. Sina Erza at Ate Airi rin.

"Ano bang gusto mong marinig? Na naiinggit kami sa'yo kasi ikaw ang gusto ng mga crush namin? Pwes, oo!" Ate Airi's face became red. It was easily visible since she was pure white. "Naiinis ako sa'yo! Bakit ikaw na lang palagi?"

"I don't know how to answer that question," I said. Mas lalong nagalit ang ekspresyon niya sa akin. Uh-oh. "Really, I don't know what to do with you two. I know your problem is me but what should I do? Ate Airi? Erza? May maiiba ba kapag nagalit kayo sa akin? Magugustuhan ba kayo ni Gio? Ni Urie? Bakit ako, ang tanong niyo? Damn it, I don't know! I didn't even seduce them! At si Gio... hindi niya ako gusto, Erza!"

Be the Delinquent's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon