Chapter 12: Chocolates and Roses

1K 43 5
                                    

Chapter 12: Chocolates and Roses

---- -- ----


AUGUST CONSTANTIN ONGPIN

Flashback. Junior middle school.

"Trick or treat!" sabay-sabay sabi nina July habang nasa harap kami ng isang malaking bahay.

I rolled my eyes at them. Nasa likod lang nila ako. Lumabas ang babaeng may-ari ng malaking bahay at nagulat nang makita kami pero agad ding ngumiti. Nilagyan niya ng mga candies at chocolates ang mga dala naming pumpkin. Ngumuso ako sa hiya.

"Akala ko mga bata ang makikita ko. Mga isip bata pala." Tumawa ang may-ari ng bahay.

Nagtawanan din sina July maliban sa akin. Hiyang-hiya ako sa ginagawa naming ito!

Nang pumasok ang babae sa kanyang bahay, sinamaan ko ng tingin sina July. "Ang tatanda na natin pero bakit ginagawa pa rin natin 'to? Tangina!"

July and Mari were wearing witch hats while Rigel, Kirk, and I were dressed in Dracula's coat.

"Ayaw mo pero sumama ka," kumento ni July at humagikgik. "Kasama kasi si Mari."

"Pinilit mo kasi ako!"

"Hay, twin bro. Ikaw ang tipo ng taong kahit ilang bese pilitin, hindi magpapapilit. Sumama ka kahit ayaw mo kasi nandito si Mari." Ngumisi siya.

Nagtawanan sila nina Rigel habang si Mari, kahit madilim, nakita kong namula ang mukha at umiwas ng tingin. Kinamot ko ang aking ulo.

"Sa West Street tayo mag trick or treat. Mas maraming mayaman doon," sabi ni July.

"Doon nakatira sina Mana. Tara!" tuwang-tuwang sabi ni Kirk at mabilis ko siyang sinamaan ng tingin.

"Paano mo nalamang doon siya nakatira? Ew, ha? Stalker!" si July.

Oo nga. Paano mo nalamang hayop ka?!

"Huy, hindi! Alam ko kasi narinig ko sa mga lalaking kaklase namin. Hindi ako stalker," depensa ni Kirk.

Nahihiya akong pumunta sa bahay nina Tachibana pero hindi ko namang magawang tumanggi sa ideya nila dahil parang... gusto ko rin siyang makita ngayon. Isang linggong nagkaroon ng bakasyon dahil Halloween. Parang hindi na nasanay ang mga mata kong hindi nakikita ang famous na 'yon.

Pinagtitinginan kami ng mga nakakasalubong namin dahil kami lang ata ang nagtitrick or treat sa ganitong edad. Busangot ang aking mukha habang nagpapahuli ng lakad. Parang wala lang kina Kirk na pinagtitinginan at pinagtatawanan kami. Tuwang-tuwa pa sila dahil nasa amin ang atensyon ng lahat.

"Tangina talaga... nakakahiya..." Naramdaman kong namula ang mga tenga ko sa kahihiyan.

Mahigpit kong hinawakan ang pumpkin na may lamang candies at chocolates galing sa mga bahay na pinuntahan namin. Lumingon si Mari sa akin. Nagkatinginan kami. Humiwalay siya sa tabi ni July at lumapit sa akin.

"Gusto mong umuwi na? Parang sasabog na ang mukha mo sa sobrang hiya," malumanay niyang sabi.

I looked down at her. I sighed. Mariko is like an angel. Kapag magkatabi kami, parang masakit sa mata tingnan. Parang sobrang sama ko para makatabi ang isang kagaya niyang mabait at malumanay. Alam niyo iyon? Iyong nararamdaman niyong sobrang layo niyo sa isa't isa? Iyong hindi kayo bagay pero kahit ganoon ay nagpupumilit ka pa rin makasama siya?

"Hindi na. Tatapusin ko kung ano ang sinimulan ko," sabi ko habang nakadungaw sa kanya.

She smiled as she nodded at me. Her straight long black hair was swaying at her back while we were walking beside with each other.

Be the Delinquent's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon