Chapter 33: Let's Have a Fair Fight

680 32 1
                                    

Chapter 33: Let's Have a Fair Fight

---- -- ----


MANA LOUISSE TACHIBANA

Ang daming nagreact sa isang beses na pagsabay namin ni August sa pagpasok kahapon. Kaya noong uwian ay hindi ko na siya pinasabay sa amin pag-uwi ni Gio dahil masakit na ang ulo ko sa katatanong ng lahat sa akin kung anong mayroon sa amin ni August.

Nagtampo siya pero nasuyo ko rin naman agad. Sinabi kong magtatawagan kami sa cellphone pagkatapos kumain hanggang sa makatulog. Sobrang saya niya sa suhestiyon ko kaya hindi na nalukot ang mukha niya sa pagtatampo.

I kept my lips shut about August and I. The only ones I told about what's happening to us were Shannon, Erza, and Iesha. Alam na rin naman ni Ace noon pa. Sina Rigel at Kirk ay ngayong araw lang nalaman.

Hindi naman sa ayaw kong ipaalam na nililigawan ako ni August. Ayaw ko lang talagang sinusubaybayan ng lahat ang love life ko. It's my private life. Sana ay hindi na sila makichismis.

Pagkatapos ng isa pang practice sa Music Club ay hinatid ako ni August sa classroom ko. Pinisil niya ang kamay ko bilang pagpapaalam. He also gave me his most boyish smile.

"Text text na lang kapag hindi ka busy, okay?" sabi niya.

Ngumiti ako at tumango. Napailing sina Rigel at Kirk sa amin dahil para kaming tangang ngumingiti sa isa't isa sa hallway.

Nang pumasok ako sa loob ay tinadtad ulit ako ng tanong ng mga kaklase ko.

August here. August there. August all over the place.

I inhaled and exhaled to calm my nerves. I smiled at them.

"Sorry, mamaya ko na sagutin ang mga tanong niyo. Tutulong muna ako sa gagawin nating booth para sa Culture Festival," sabi ko para makatakas sa mga kaklase kong mabilis akong pinalibutan.

Dumiretso ako sa bakanteng upuan at umupo roon, kinuha ang iniwan kong papel kanina na naglalaman ng mga gusto naming i-bake na cookies at cupcakes para i-partner sa iba't ibang kapeng ititimpla ng mga barista namin.

Walang gaanong lessons dahil nagsisimula na ang bawat klase sa pag-aayos para sa darating na Culture Festival sa susunod na linggo. Lahat ng students ay busy sa paggawa ng kani-kanilang trabaho para maging maganda ang kalalabasan ng Festival. Ang section namin ay magkakaroon ng maid cafe at ako ang naatasang mamuno sa pag bake ng mga cookies at cupcakes.

"Dapat hindi ikaw ang pastry chef, eh. Maraming maghahanap sa'yo sa araw ng Festival. Isa ka dapat sa mga maids," sabi ni Rocco, ang secretary ng Student Council High School Department, at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

Tumawa ako at nilapag ang ballpen sa desk.

"Ako lang ang marunong mag bake sa klase. At kung eextra pa ako sa pagiging maid, hindi ko na kaya. Grabe na iyong schedule ko. Kakanta pa ako sa opening ng Culture Festival. Tapos ay kasama pa ako sa relay race. Kung pwede lang hatiin ang katawan ko, bakit hindi?"

"Iba talaga kapag sobrang talented, 'no?"

"Sus. Parang ikaw hindi talented."

"Hindi ako talented. Masipag lang ako. Kung hindi ako kasama sa SC, wala akong pagmamalaki."

"May pagmamalaki ka. Iyang utak mo. Matalino ka rin at witty. And you have the looks," sabi ko.

"Ikaw talaga. Ang galing mo rin mangbola, 'no? That's why there are tons of guys who fall for you. You're beautiful, intelligent, talented, kind, sweet... ahhh, shet. You're almost perfect, you know?"

Be the Delinquent's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon