Chapter 10: Red and Sweaty Bandana

1K 36 1
                                    

Chapter 10: Red and Sweaty Bandana

---- -- ----


AUGUST CONSTANTIN ONGPIN

Flashback. Sixth grade elementary.

In this lifetime, I only want to love one woman.

Nakahawak ako sa gilid ng aking leeg habang tinitingnan ang inaabot na sulat sa akin ng isang babae. Gumalaw ang mga mata ko para tingnan ang namumulang mukha niya.

"Hindi ka ba natatakot sa akin?" tanong ko. "Nananakit ako ng babae. You know, I'm a delinquent."

Hindi ko kinapalan o nilakasan ang boses ko pero nakita kong tumaas ang mga balikat niya sa takot.

"Hindi ako magcoconfess sa'yo kung natatakot ako," mahinang sabi niya, nakayuko.

Liar.

Bumuntong-hininga ako. "Huwag ka na mag-aksaya ng panahon sa akin. Sa iba ka na lang magkagusto."

Agad siyang tumingin sa akin. Nang magtama ang mga mata namin, mas lalong pumula ang mukha niya. Hays.

"Pero wala ka namang girlfriend, hindi ba?"

"Wala," mabilis kong sagot.

"Kung ganoon..." Kinagat niya ang kanyang labi. "Hindi mo ako type?" nag-aalinlangan pa niyang tanong at umiwas ng tingin.

Unti-unti na akong nakakaramdam ng iritasyon. Ito ang unang beses na may nagtapat sa akin nang harap-harapan. Hindi ako tanga. Hindi ako manhid. Hindi rin ako bulag. Alam kong maraming nagkakagusto sa akin pero mas nangingibabaw ang takot nila sa akin. Walang may naglalakas ng loob magtapat sa akin nang ganito. Iyong harap-harapan. Kasi simula bata pa lang ako, kilala na ako bilang delinquent. Lalaking pumapatol sa babae. Mainitin ang ulo. Tamad. Puro pakikipag-away ang alam.

Sinong gugustuhin maging boyfriend ang isang ganoong lalaki?

I want to applaud this girl for being brave. For being the first one to confess to me like this. Halatang takot siya pero naglakas loob mag confess sa akin. Masarap pala sa pakiramdam ang ganito. Nakakataba ng ego na malamang may nagkakagusto sa'yo.

Ibinuga ko palabas ang namumuong iritasyon sa sistema ko.

"Kilala mo si Mari?" tanong ko.

"Oo naman. Bakit?"

"Kung kilala mo siya, hindi ka na magtatapat sa akin."

Natigilan siya. Dahan-dahan siyang umayos ng tayo. Tiningnan niya ako pero hindi siya diretsong nakatingin sa mga mata ko. I was not sure if she was staring at my nose or at the space between my brows.

"Yeah... I know you love her. I just wanted to try my luck. I-I'm sorry."

Tumalikod siya at nakitaan ko ng pagtulo ng luha ang mga mata niya. Tumakbo siya palayo sa akin.

Unang beses may nagtapat sa akin tapos ni-reject ko pa. Anong magagawa ko? Si Mari ang gusto ko. Siya ang mahal ko.

Ginulo ko ang aking buhok at nagsimulang naglakad paalis sa likod ng Elementary Building nang matigilan. Sa bukana lang ng entrance ng Elem Building ay may isang babae at lalaking nakatayo roon.

"I'm sorry. But I'm still young to have a boyfriend."

Ewan ko pero gusto kong pumalakpak dahil sa narinig mula kay Mana Louisse Tachibana. She rejected the guy who probably confessed to her.

Be the Delinquent's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon