Chapter 2: Why That Girl So...

1.6K 52 1
                                    

Chapter 2: Why That Girl So...

---- -- ----


AUGUST CONSTANTIN ONGPIN

Nag-isip ako ng paraan kung paano makakausap ang babaeng iyon nang hindi ako nagmumukhang tanga. Buong oras ng klase ay iyon lang ang ginawa ko. Sumakit na ang sentido ko dahil hindi ko naman ugaling mag-isip nang todo.

Kainis. Napuruhan ata ang brain cells ko kakaisip dahil sa kanya! Sa huli ay wala akong maisip na dahilan para makita siya... nang hindi ako nagmumukhang tanga at ewan!

"Samahan ka ba namin humingi ng sorry kay Mana?" tanong ni Kirk habang pababa kami ng hagdan.

Kinamot ko ang leeg ko. "Saan ba siya ngayon?"

"Paniguradong sa Music Club iyon ngayon after class."

"Bakit alam mo?" Kunot-noo ko siyang sinulyapan.

Humalakhak siya. "Kapag crush mo, alam mo ang whereabouts niya."

"Crush mo siya?!" Nanlaki ang mga butas ng ilong ko.

Sumabat si Rigel. Palipat-lipat ang nanggagalaiti kong tingin sa kanila. "Sino bang hindi? Lahat ata ng lalaki ay may crush kay Mana Tachibana. Puro Mariko ka kasi."

Inunahan nila ako sa pagbaba. I gritted my teeth. Ang dami talagang nagkakagusto sa Tachibana na 'yon! Hindi kaya mangkukulam siya at ginayuma niya ang lahat ng lalaki rito?!

Shet! Kailangan kong mag-ingat sa kanya!

Biglang namawis ang buong katawan ko nang nakarating kami sa harap ng Music Club. Napapalunok akong tumingin kina Kirk at Rigel. Tumingin sila sa akin.

"Oh, ano? Para ka nang hihimatayin diyan sa takot." asar pa sa akin ni Kirk.

"Tangina. Manahimik ka. Bubusalan kita sa bibig kagaya sa aso."

Humalakhak si Rigel. "Ikaw na ang maunang pumasok, pre. Ikaw naman ang may kasalanan, e."

Hinagod ko ng himas ang leeg ko. Paulit-ulit. I was feeling so reckless! Hihingi lang naman ako ng tawad sa mangkukulam na 'yon, bakit feeling ko ay aapuyin ako ng lagnat?

Ilang minuto pa akong tumatawang pinagmamasdan nina Kirk at Rigel habang nakatayo kami sa harap ng Music Club. Puro mura ang inabot nila sa akin. Hindi ko lang sila masuntok sa mukha dahil nababalisa ako na ewan.

Fucking shit! Calm the fuck down!

"Oh? Bakit nandito kayo?"

My head immediately snapped upon hearing Yuta's deep voice. May hawak siyang dalawang acoustic guitar. May biglang umilaw na bumbilya sa isipan ko.

"Sa Music Club mo ba 'yan dadalhin?" maangas kong tanong sa kaklase kong babae na si Yuta. Nagtataka siyang tumango sa akin. Napasulyap siya kina Kirk. "Ako na ang magdadala niyan sa loob."

Agad umasim ang mukha niya. "Ang creepy! Bakit mo ako tinutulungan? Eh, palagi mo nga akong inaasar."

"Basta akin na. Ang dami mo pang satsat, Yuta." Mabilis kong kinuha ang dalawang gitara mula sa pagkakahawak niya.

Malakas humalakhak sina Rigel at Kirk at halos umusok naman ang mga tenga at ilong ko sa inis.

"Siguro may hidden agenda ka? Ano? Kanino? Para saan?" sunod-sunod na tanong ni Yuta.

"Ulul. Wala. Manahimik ka na lang!" Sinulyapan ko si Kirk. "Buksan mo iyong pinto. Dalawa ang hawak ko."

Tatawa-tawa siya nang binuksan ang pinto. Lagot ka sa akin mamaya! Kingina ka!

Be the Delinquent's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon