Chapter 30: Awesomely Beautiful

722 35 4
                                    

Chapter 30: Awesomely Beautiful

---- -- ----


AUGUST CONSTANTIN ONGPIN

"I'm really, really, really sorry, Ace."

Sabay na lang kaming napabuntong-hininga ni Ace sa ilang libong beses nang paghingi ng tawad ni Mana sa kanya.

Pagkatapos ng klase naming ngayong araw, dumiretso kami ni Mana sa Inori Hospital para bisitahin si Ace. Mama niya ang kasama niya nang dumating kami. Lumabas lang siya para bigyan kami ng privacy.

Mana wanted to talk to him privately. To apologize. Dalawang araw ang ginugol ng baby ko para magkaroon ng lakas ng loob humingi ng tawad kay Ace. Hindi niya kayang tingnan ang kaibigan namin nang diretso sa mga mata kaya ilang beses pa kaming nag practice kung paano siya hihingi ng tawad.

Hindi siya umiyak kahit isang beses noong kaming dalawa lang. Ngayong si Ace na ang kaharap niya, para siyang isang batang nawawala sa isang mall. Umiiyak at hinahanap ang mga magulang.

Akala ko ayaw niyang may nakakakitang umiiyak sa kanya bukod doon sa best friend niyang si Gio?

Ngumiti si Ace kay Mana. Ulit. Kung ilang beses humingi ng tawad si Mana sa kanya, ganoon din karami ang naibigay niyang ngiti.

"Okay lang talaga, Mana. Hindi ako galit. Wala akong sinisisi. I was hurt because I wanted to protect July and Mariko. It was my own choice. It was not your fault," sabi niya.

Nagpunas ng luha si Mana. Naglakad ako para tumabi sa kanya. Hinimas ko ang kanyang balikat para pakalmahin siya.

Para sabihing nandito lang ako.

"But I caused that mess. I was the one they wanted from the start," patuloy pa rin sa pagsisi si Mana sa sarili niya.

Pumalatak ako. Napatingin sa akin si Ace.

"Tama na ang pagsisi sa sarili, ha? Naiinis na ako. Hindi mo nga kasalanan. Lahat kami nagsasabi na sa'yo no'n. Ayaw mo pa rin tanggapin," sabi ko.

"Hindi naman ganoon kadaling gawin iyon. Kahit saang anggulo natin tingnan, kasalanan ko. Ako ang puno't dulo ng lahat ng ito," sabi niya, nakayuko, at patuloy sa pag-iyak at pagpupunas ng luha.

Pinisil ko ang balikat niya. Hindi pa ako nakuntento. Nilagay ko na rin sa isang balikat niya ang kamay ko at sabay kong pinisil nang paulit-ulit ang magkabilang balikat niya.

Paulit-ulit kong ginawa iyon.

Hanggang sa iyong iyak niya, unti-unting napalitan ng hagikgik.

"Ano ba... Nakakakiliti..."

"Titigil ka sa pag-iyak o pagpapatuloy ko 'to?" banta ko.

She looked up at me with red eyes and nose. She was so cute while glaring at me.

"Ang hilig mong magbanta. Wala bang ibang option?"

"Wala," mabilis kong sabi. "Ayaw ko nga kasing umiiyak ka. Kung pwede lang ako na ang iiyak para sa'yo, ginawa ko na. Kaso ayaw din lumabas ng luha sa mga mata ko."

Bigla siyang tumawa. Inabot ko ang kanyang mga pisngi at pinunasan ang mga natirang luha doon.

"I can't believe you said that with a serious face and voice!" she told me.

"Nainlove ka na ba sa akin dahil sa kaseryosohan ko?" bulong ko.

Tumitig ako sa mga mata niya. Tumitig din siya pabalik sa akin. Unti-unti na kaming napapangiti sa isa't isa dahil sa titigan namin.

Be the Delinquent's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon