Chapter 53: Selfishly, Possessively, Obsessively, and Crazily

722 29 2
                                    

Chapter 53: Selfishly, Possessively, Obsessively, and Crazily

---- -- ----


AUGUST CONSTANTIN ONGPIN

Agoraphobia?

Naramdaman kong namutla ako. Nawala ang lahat ng dugo sa mukha.

Napatitig ako kay Mana, hindi makagalaw. Hindi makapagsalita. Umiwas siya ng tingin sa akin, binitiwan ang damit ko, at pinuntahan si Urie na walang malay.

Nanginig ang mga kamay ko. Ang tanging nagawa ko lang ay tumitig sa mga paa ko.

Hindi ko nasundan ang sunod na mga nangyari. Nakita ko na lang na dumating si Headmaster Sanderson at binuhat ng mga body guards niya ang walang malay niyang anak.

Pumalo ng sobra-sobra ang dibdib ko sa kaba.

Saglit siyang nakipag-usap kay Mana, narinig kong hinahanap niya si Tito Gustavus.

"Wala po si Dad. Umalis..." mababang sagot ni Mana.

Umiwas ako ng tingin dahil sa takot. Wala namang sinabi sina Mana o Gio na ako ang may kasalanan kung bakit nawalan ng malay si Urie pero hindi ko pa rin maiwasang matakot. Makonsensya.

Hindi ako makahinga nang maayos. Alam ko kung ano ang Agoraphobia Disorder pero ang tanong, paano siya nagkaroon no'n?

Urie really looks sick. He has a pale complexion and I remember that Mana was so nervous seeing him around the crowd during Cultural Festival.

"August..." Napatunghay ako mula sa pagkakayuko. Nakaalis na sina Headmaster Sanderson at parehas inoobserbahan nina Gio at Mana ang itsura ko. "Please stop looking like that."

Lumapit siya sa akin at hinaplos nang marahan ang aking braso. Mas lalo akong nanginig.

"Ano bang itsura ko sa paningin niyo?" tanong ko at malumanay na ngumiti, lahat ng galit ko para kay Urie ay parang bulang naglaho.

"It's not your fault, okay? Wala kang alam..."

"Pero hindi sapat na dahilan iyon para saktan ko s-siya..." May kung anong nagbara sa lalamunan ko. Hindi ako makalunok nang mabuti. "Kaya pala sobra kang mag-alala sa kanya dahil may disorder siya. He's afraid of crowded places. He's scared of leaving home and yet—"

I couldn't even finish my sentence. I closed my eyes tightly. Mana embraced me affectionately and I immediately teared up. Her warmth comforted my clenching heart.

"It's not your fault. It's not your fault, August," she said repeatedly to cheer me up. "It's not your fault, alright?"

Hindi man lang pumasok sa mga tenga ko ang sinabi niya kahit paulit-ulit pa iyon. Sarado ang isip at puso ko.

Kasalanan ko...

It's my fault.

Fucking period.

---- -- ----

I never had the chance to apologize to Urie after the incident. Hindi na siya nagpakita sa amin, o kahit kay Mana. Ang sabi niya, baka raw bantay sarado siya sa mga body guards niya ngayon. Hindi na ulit makatakas ng mansion. She even assured me he's already okay, nothing dangerous happened, so I should stop feeling bad about it.

Simula nang malaman kong may sakit si Urie, ngayon lang nagkaroon ng meaning ang lahat ng sinabi nina Mana at Tito Gustavus sa akin noon.

Na kahit gaano pa ako kagalit o kaselos dahil kay Urie, huwag na huwag ko siyang papatulan. I should be gentle and calm around him. Treat him with care.

Be the Delinquent's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon