Chapter 56: Bestfriend over Boyfriend

709 18 0
                                    

Chapter 56: Bestfriend over Boyfriend

---- -- ----


AUGUST CONSTANTIN ONGPIN

A heavy sigh escaped from my lips as I watched the most beautiful girl performed in front of us, in gymnasium's stage. Today is the Closing Party for all the departments in Inori Academy. This always happen after the last day of class and after the graduation of every senior students.

Ilang beses nagbibigayan ng tingin ang mga katabi ko kasabay ng mahina nilang pagbulong sa isa't isa. Bawat salitang lumalabas sa kanilang bibig ay parang punyal na sumasaksak sa dibdib ko.

"Bakit puro mali si Mana ngayon? Bago 'to, ah. Tingnan mo ang mukha niya, nakangiti siya pero halatang pagod na pagod ang mga mata."

Niluwagan ko ang kurbata ko dahil parang bigla akong nahirapang huminga. Nanatili ang mga mata ko kay Mana sa stage. Ang suot niyang all black cocktail dress ay sumasalamin sa nararamdaman ko.

"True. This is her worst performance ever. What's happening to her? Kung hindi naman niya maibibigay ang best niya ngayong Closing Party natin, mas mabuting bumababa na lang siya sa stage. I can't watch her like this."

"Ano ka ba, baka may pinagdadaanan lang. Baka nag-away sila ni August."

Napatigil ako sa pagluwag ng kurbata ko. Nagkatinginan kami noong babaeng huling nagsalita. Nanlaki ang mga mata niya nang malamang narinig ko ang kanyang sinabi. Pasimpleng ubo siya at iwas ng tingin sa akin. Inalis ko rin ang paningin ko sa kanilang magkakaibigan. Hindi ko na ulit sila narinig nag-usap.

Saktong pagbalik ko ng atensyon sa stage ay siyang pagpiyok ni Mana sa bridge part ng kanyang kanta. Napapikit siya at bumalatay ang pagkapahiya sa mukha niya. At kahit ganoon ay tinuloy pa rin niya ang pagkanta.

Some of the high school students started to whisper, some had an expression of disappointment on their faces, some were happy she made a mistake, some were just silent and didn't care about the matter at all.

And some were hurt... like me.

Pinagpawisan ako nang malamig. Napatanggal ako ng suot na black coat. I inhaled sharply and bit my lower lip hard.

I gazed at my girlfriend with deep concern.

Ilang araw na ang nakalipas simula noong malaman naming may feelings si Gio kay Mana. Simula noon ay hinayaan ko silang mag-usap. Mapag-isa.

Sinundan ko si Mana ng araw na iyon dahil nag-alala ako. Hindi ko sinasadyang marinig ang mga pinag-usapan nila. When I saw how she broke down into tears after their talk, my heart pumped painfully inside my chest. I couldn't breathe. My throat felt like it was burning. My body was heavy.

"What are you afraid of?" I asked as my embrace tightened around her.

My voice was gentle but painful. I don't want to see her like this. She looked helpless. Mana looked like someone who's mourning.

When she heard my question, fuck, she broke into tears even more. Her big tears fell from her eyes like a waterfall.

Ang dumi-dumi na namin dahil nakasalampak kami sa sahig ng playground malapit sa kanilang bahay. Nadumihan na ng buhangin ang suot naming uniform. Basang-basa na ang polo ko ng kanyang luha at lukot-lukot na ito dahil sa mahigpit niyang pagkapit sa akin. Ngunit ang lahat ng ito ay hindi namin alintana. Wala kaming pakialam.

The only thing that matters right now is her feelings. I only care about her feelings.

Her feelings for Gio.

Be the Delinquent's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon