Chapter 14: Of Urie, Anon, and Curry

1K 43 5
                                    

Chapter 14: Of Urie, Anon, and Curry

---- -- ----


MANA LOUISSE TACHIBANA

Flashback. Freshman high school.

Isang satisfied na buntong-hininga ang pinakawalan ko matapos masolve ang isang Algebra problem sa libro. Sumandal ako sa upuan at natulala sa malaking black board. Nakasulat doon nang malalaking letra ang salitang self-study gamit ang chalk. Wala kaming teacher ngayon dahil nagkaroon ng meeting ang faculty kasama ang Headmaster.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga bago kong kaklase ngayong freshman high school na ako. Napabuntong-hininga ako, ngayon ay dahil sa panghihinayang.

Dapat ay ngayong taon uuwi sina Gio sa Pinas para rito ulit mag-aral sa Inori Academy kagaya ng sinabi niya sa akin noon. Pero hindi natuloy dahil nagkaroon ng problema at delay sa work retirement ng grandparents niya sa Washington. Kaya sa susunod na taon pa sila uuwing lahat dito.

Sana ay kaklase ko siya ngayon dito. Miss na miss ko na ang best friend kong iyon. Sobrang tagal ko na rin siyang hindi nakita nang personal. Puro sa video chat lang kami nag-uusap, e.

Nakakapanghinayang. Nakakalungkot. Nakakadisappoint. Pero alam kong mas nanghihinayang, nalulungkot, at nadidisappoint si Erza kesa sa akin. Isang taon pa ulit ang hihintayin niya bago niya ulit makita nang personal si Gio, ang lalaking gustong-gusto niya.

Tumingin ako kina Erza, Shannon, at Iesha na tutok na tutok sa kanilang mga libro. Gusto ko sana silang yayain muna sa baba para bumili ng pagkain pero ayaw ko silang abalahin. Tumayo ako at mag-isang lumabas ng classroom. Naglalakad ako sa hallway nang biglang magulat dahil bumukas ang pinto sa classroom ng class 1-5.

"Oh! Yuta!" Ngumiti ako nang makita si Yuta.

Siya ang bagong kaibigan ko. Matagal na raw niya akong kilala pero ngayon ko pa lang siya nakilala dahil bagong sali siya sa Music Club ngayong freshman high school. She has a deep and mellow voice that you would thought na baka lalaki siyang nagdadamit pang babae lang.

Kumapit siya sa braso ko at ngumiti nang malaki. "Saan ka pupunta?" Pati sa pagsasalita ay mababa ang boses niya.

"Sa cafeteria lang. Nagugutom ako, e."

"Samahan na kita."

"May bibilhin ka rin?" tanong ko.

"Wala." Umiling siya. "Sa cr dapat ako pupunta pero sasamahan na kita."

Hindi kami nagtagal sa cafeteria. Pagkatapos kong bumili ng chicken sandwich at coffee milk ay pumanhik na kami ng hagdan, nakakapit pa rin siya sa braso ko.

"Tapos ka na bang mag self-study?" tanong ko at kumagat sa chicken sandwich.

Napatingin siya sa labi ko bago sumagot. "Hindi uso sa class 1-5 ang mag-aral." Tumawa siya.

Umiling ako pero natawa rin sa huli.

Gusto kong magtanong tungkol kay August dahil magkaklase sila. Gusto kong malaman kung nag-aaral ba siya nang mabuti? Kung anong ginagawa niya kapag walang teacher? Anong klase ang penmanship niya? Magulo? Maganda? Malinis? Malalaki? Maliliit? Nakakatulog ba siya sa gitna ng lesson katulad ng mga naririnig kong chismis tungkol sa mga students ng class 1-5 madalas? Natutulala ba siya sa bintana ng kanilang classroom kapag bored?

Lahat ng tanong ko ay sinarili ko na lamang. Walang may alam ng feelings ko para kay August maliban kina Shannon, Iesha, Erza, at Gio. Baka magulat si Yuta kapag bigla akong naging curious kay August.

Be the Delinquent's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon