Chapter 16: I Can't Feel It Anymore

1K 34 2
                                    

Chapter 16: I Can't Feel It Anymore

---- -- ----


MANA LOUISSE TACHIBANA

"Gio, No Longer Human pa rin ang binabasa mo? Ayaw mo talaga ng iba?" tanong ko sa best friend ko habang nakahiga nang patagilid sa kanyang kama.

Tuwing weekend ay dito ako madalas tumambay kapag tapos na ako sa pag gawa ng assignments at pag-aaral ng ibang lessons. Pagulong-gulong ako sa kanyang malaki at malambot na kama haba siya ay nasa study table niya, nakatalikod sa akin at nagbabasa ng paborito niyang libro.

"Yes," he replied dryly.

"Tungkol saan ba iyan?"

Matagal bago siya sumagot. Parang tinapos muna niyang basahin ang isang page bago ako sagutin.

"I can give you a spoiler free summary and review about this story if you are really interested."

Ngumuso ako. "I don't like reading classic literature. Just give me a synopsis."

Nanahimik siya at hindi ako sinagot! Malakas akong bumuntong-hininga para ipakita sa kanya kung gaano ako kadismayado sa pagiging tahimik niya ngayon. Sobrang boring kasi ng Sunday ko. Wala akong magawa. Wala akong pagkaabalahan. Kaya si Gio ang kinukulit ko.

"Will you go to church today?" I asked him.

"Yes."

Kinuha ko ang malaking unan niya at niyakap. "I want to go to."

"You're not a Roman Catholic," he said.

"Namiss ko nang pumuntang shrine. Wala bang kahit anong Shinto Shrine rito sa Pinas?"

He shrugged. "I don't know. Search it on Google. Baka mayroon."

I hummed in response. Hindi kasi ako Roman Catholic. Shinto is my religion. Originally, it's a traditional religion of Japan that focuses on ritual practices to be carried out diligently to establish a connection between present-day Japan and its ancient past. But today, Shinto is the religion of public shrines devoted to the worship of a multitude of spirits and essences. We worship spiritual essence or divinity, sacred spirits. Rocks, trees, rivers, animals, places, and even people can possess the nature of kami or god.

Inubos ko ang aking oras sa pag-alala ng mga rituals na ginagawa namin sa shrine noon.

"Kapag sinabi ko kay Dad na gusto kong magpaconvert ng ibang religion, papayag kaya siya? Parang gusto kong maging Catholic," tanong ko kay Gio.

Pakiramdam ko'y nonsense ang itinanong ko sa kanya kaya hindi siya sumagot. I clicked my tongue. Ibinato ko sa kanya ang malaking unan at tumama iyon sa mismong likod niya.

He heaved out a sigh. Umikot ang inuupuan niyang swivel chair para harapin ako. With a poker face, he talked.

"I remember something."

"Ano iyon?" Umupo ako sa kanyang kama dahil bigla akong nagkaroon ng interest sa sasabihin niya.

Aba, minsan lang kayo magsalita itong si Giovanni! Sigurado akong hindi ito nonsense! Lahat ng sasabihin niya, may laman!

"I will not accept again any love letters."

Humalakhak ako nang maalala noong isang araw kung paano ko ibinigay sa kanya ang mga love letters galing sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya! Dahil ako ang pinaka close ni Gio sa lahat at sa akin lang siya malapit, ako ang naging tulay ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya sa Inori! Sobrang daming nagpahayag ng damdamin nila sa taong robot na ito!

Be the Delinquent's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon