Chapter 7: Taming the Delinquent

1.2K 55 8
                                    

Chapter 7: Taming the Delinquent

---- -- ----


MANA LOUISSE TACHIBANA

Walang practice ang Music Club ngayong araw dahil wala naman kaming gagawing performance for the next few weeks. Karamihan sa mga members ay tumatambay lang sa Music Club room, ang iba ay maagang umuuwi... kagaya ko. Kailangan ko pa kasing aralin ang ibang lessons dahil hindi ko nagets nang maigi ang itinuro kanina.

"Gio, nagets mo ba 'yong chem kanina?" tanong ko habang pababa kami ng hagdan.

Tumango lang siya. Tutok na tutok ang paningin niya sa librong binabasa. No Longer Human again, huh?

"Kapag nahulog ka dito sa hagdan kababasa, 'di kita tutulungan. Tatawanan lang kita," sabi ko. "Ang tagal mo nang binabasa 'yan, huh? Hindi mo pa rin natatapos?"

"Natapos ko na ito ilang beses na."

"Bakit binabasa mo pa rin?"

"Because it's good."

Ngumuso ako. Nagkibit-balikat. "Sa tingin mo nahanap na ni Daddy si August?" tanong ko bigla.

"Yeah," he replied.

"Agad-agad?"

Gio glanced at me. "Hindi naman siya mahirap hanapin."

Mas lalong tumulis ang nguso ko. "Nakausap na kaya niya si August? Ano kayang tingin niya sa kanya? He's a delinquent but he's good!"

"Why are you asking me? Ask your father." Binalik niya ang kanyang paningin sa binabasa.

"Hmp! Suplado!"

Nang makababa kami sa High School Building, may ingay kaming narinig sa likod nito. Narinig ko ang pamilyar na boses.

"Boses iyon ni July, ah?" nasabi ko.

Nagkatinginan kami ni Gio. Sinara niya ang kanyang libro at bumuntong-hininga, mukhang alam na ang tumatakbo sa isip ko.

Sinamahan niya akong pumunta sa likod ng High School Building. Doon ay nakita kong nakapalibot sina July, Ace, Kirk, at Rigel kay August na hawak sa kwelyo ang isang babae. Si Mariko ay nasa malayong banda, papaiyak na at halatang takot na takot.

Napanganga ako nang makilala ang mga babaeng nandoon. Sila iyong nambully kay Mariko noon sa labas ng cafeteria!

"Hindi mo siguro kilala si Mari kaya binully mo, ano?" maangas at halatang galit na galit na sabi ni August.

Nanginginig sa takot ang babaeng hawak-hawak ni August sa kwelyo. Ang ibang kasama niyang nasa kanyang likod ay umiiyak na.

"Sorry na! S-Sorry!" Pumiyok ang boses ng babae.

Pilit hinahatak nina Rigel si August palayo sa babae pero nagmamatigas ito at mas lalong hinigpitan ang pagkapit sa kwelyo ng babae.

"August! Tama na! Ano ba! Babae 'yan!" sigaw ni July pero 'di nakinig sa kanya ang kambal niya.

Kung anu-anong pagpapakalma na ang sinabi nila rito pero parang walang narinig si August. Namumula ang mga mata niya sa galit. Panay ang hatak nina Kirk sa kanya palayo dahilan para mamula nang husto ang mga braso ni August.

He's crazily mad because they hurt Mariko. My heart ached at that thought.

"Walang may gustong manakit diyan dahil takot na takot sa akin. Ang lakas din ng loob niyo, 'no? Alam niyo bang nahirapan akong hanapin kayo dahil ayaw sabihin ni Mari kung anong itsura niyo? Pinagtatanggol niya kayo! Kailangan ko pang magtanong kung kani-kanino para mahanap kayo!"

Be the Delinquent's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon