Chapter 58: Some Confessions

663 27 1
                                    

Chapter 58: Some Confessions

---- -- ----


AUGUST CONSTANTIN ONGPIN

Ngayon na lang ata ako kinabahan nang ganito kalala. Hindi naman sa takot ako kay Urie. At mas lalong hindi ako takot kay Gio. Pero kung may mangyayaring masama kay Urie habang kasama ako, mag-aalala nang husto ni Mana. At kung may mangyaring masama kay Gio dahil kay Urie, dahil pinabayaan ko siya, mas lalong masasaktan si Mana.

I'm in a fucking hard situation right now. Hindi ko mauna iyong problema ko kasi aligaga ako mag-alaga ng dalawang lalaki!

"What do you want?" Gio asked to Urie who rolled his eyes.

"Mana is really amazing. She attracts different kinds of guys," he said and glanced at me mockingly.

The fuck? Kung hindi ko lang iniisip si Mana, nasapak ko na siya.

Nakapagitna ako sa dalawa, nag-aabang sa kung anong pwedeng mangyari. Sa parking lot ng Inori Academy namin napagpasyahang mag-usap. Si Urie ang nanguna. Siya ang may gusto nito. Nahatak lang namin si Gio na nakita naming papunta sa restroom. Si Gio ata iyong tipo ng taong kapag nakidnap, eh, hindi pipiglas, kung 'di magtatanong lang nang paulit-ulit kung anong kailangan namin habang nakapoker face.

"I said, what do you want?" Gio repeated.

Tumingin ako sa kanya. He seemed a little bit irritated. Urie sighed deeply and became serious in just a second.

"Bakit mo nilalayuan si Mana?" Gio just stared at him. No response. "You know, I really want to beat the fuck out of you but I'll give you time to explain yourself. I don't like seeing Mana like that. Iyong parang nagunaw na iyong mundo dahil nilalayuan mo siya. Giovanni, paalala ko lang. Bestfriend ka. Hindi ikaw ang boyfriend."

I flinched and bit my lower lip. Pinaypayan ko ang sarili ko dahil nagsisimula na akong mainitan. Napakainit sa parking lot tapos ay nakasuot pa ako ng suits. Kingina.

"Dahil ba bestfriend lang ako, wala akong karapatang saktan siya? I mean, I'm not planning to hurt her. But this situation is inevitable. I just confessed to her. She doesn't like the idea of her bestfriend seeing... loving her romantically. My natural response is to stay away from her as much as I can."

"Are you an idiot?" Urie snickered.

"What?" Gio responded, annoyance was evident on his voice.

"Hindi ba dapat ay pinag-uusapan niyo ni Mana iyang issue?"

Gio sighed and looked away.

"I'm not ready. In all seriousness, I really didn't plan to tell her my feelings. Some things happened and now we're here. So I honestly don't have any idea what to do."

"Talk to her," I suggested.

"I will. But not now."

"Ang kulit mo rin talaga, eh, 'no?" sabi ni Urie, mukhang umiinit na ang ulo.

Dahan-dahang tumingin si Gio sa kanya. Isang beses siyang humakbang palapit, kumalabog ang dibdib ko dahil akala ko ay magkakasapakan na.

"Urie, tell me... Bakit gusto mong maging fiancée si Mana?" Urie was taken a back. "Bakit pinipilit mo iyong sarili mo sa kanya?"

"That's..." Nagtiim-bagang si Urie.

"You like her, that's given. But the main reason is that you need her. You need her as a replacement for your mother."

Be the Delinquent's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon