Chapter 60: Lifelong Goal

940 26 0
                                    

Chapter 60: Lifelong Goal

---- -- ----


AUGUST CONSTANTIN ONGPIN

"Ano? Nakapag-isip ka na ba?"

Napasulyap ako sa taong tumabi sa akin. Agad umangat ang gilid ng labi ko. Umupo siya sa tabi ko. Kasalukuyan kaming nakaupo sa duyan sa ilalim ng puno ng niyog. Inalis ko ang towel na nakapulupot sa aking leeg at binalot ko sa katawan niya.

Ngumuso ako. "Masyado ka namang nagpapakita ng balat."

Humalakhak siya. "I'm in the beach. This is just natural."

"Ang daming tumitingin sa'yo," sabi ko, mas lalong tumulis ang nguso. "I have the most beautiful and sexy girlfriend."

I stared at her as she laughed genuinely. I smiled. I don't want to make her sad. I want her to continue smiling like this.

Fuck my plan. Fuck what I want. I'm just being selfish.

"You're so happy right now. May maganda bang nangyari?" tanong ko at inakbayan siya.

Tumaas ang kilay ko nang tinanggal niya ang nakapulupot na towel sa katawan niya. I saw her two piece nude bikini up close. I gulped.

She's so hot!

"Ang init, eh. Tayo lang namang dalawa ngayon dito," sabi niya at ipinatong na lang ang towel sa kandungan niya. "I finally talked things out with Gio. Okay na kami. Ang saya saya ko talaga ngayon!"

I patted her head. "Good for you. Ang sabi ko, hindi ba? Bigyan mo lang siya ng panahon para mag-isip at kumuha ng lakas ng loob. Hindi kasi madaling pag-usapan iyong feelings na matagal itinago, lalo na iyong feelings na wala ka namang planong ipaalam."

Ipinatong niya ang kanyang ulo sa balikat ko. "I hope he finds someone soon. I want him to be happy."

"Buti na lang ako iyong mahal mo," sabi ko at tumili siya nang bigla kong hinawakan ang likod ng mga tuhod niya at ang baywang niya para buhatin at ikandong siya sa akin.

"August!" tili niya at agad namula ang kanyang mukha. "Ano ba! Nakakahiya!"

"Anong nakakahiya?" Ngumisi ako. "Wala namang tao maliban sa atin."

Umihip ang panghapong hangin, ginugulo ang mga buhok namin. Dinampian ko ng halik ang pisngi niya. Niyakap ko ang baywang niya habang siya ay sumandal sa dibdib ko. Buti na lang at nakasuot ako ng t-shirt ngayon. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko kapag nagkadikit ang mga balat namin.

Tangina. This is not the time to be horny.

"Pwede ba tayong mag-usap?" mahinang tanong ko, tinitingnan siya, inaabangan ang kanyang ekspresyon.

She nodded once. "Ikaw lang naman ang hinihintay ko."

"Kapag pumunta ka ba ng Bayan ng Travia para roon mag-aral, magiging masaya ka? Tatawa ka pa rin ba nang ganyan kaganda?" tanong ko.

Sumeryoso ang kanyang mukha at napatingin sa malayo, tila nag-iisip. Sinuklay ko ang kanyang buhok gamit ang mga daliri ko. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko at alam kong naririnig niya iyon dahil nakapatong ang ulo niya sa dibdib ko.

Maya maya ay nagsalita na siya. "Honestly, I don't know. I will never know unless I try."

"Gusto mo ba talagang doon mag-aral?"

Napakagat siya ng labi at inangat ang paningin sa akin. "Oo. Sayang kasi."

I sighed. "Sige. Umalis ka na."

Be the Delinquent's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon