Chapter 31: Officially Courting You

761 34 3
                                    

Chapter 31: Officially Courting You

---- -- ----


MANA LOUISSE TACHIBANA

Everything happened too fast. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos matanggap na nangyayari nga sa akin ang lahat ng ito.

Parang noon lang ay isang malayong bituin si August na mahirap maabot at makuha. Parang noon lang ay patago ko lang siyang minamahal at pinapangarap. Parang noon lang ay si Mariko Yllana pa ang mahal niya.

Ngayon...

Paanong nangyari ito? Bakit nangyari ito? Paanong ako? Bakit ako?

Talaga bang nangyayari ang lahat ng ito? Kailan ko ba matatanggap ang katotohanang si Mana Louisse Tachibana na ang mahal ni August Constantin Ongpin at hindi na si Mariko Yllana?

Kailan ko matatanggap nang buo? Kapag ba nakausap ko na siya at nalaman ang totoong nangyari kung bakit biglang ako na?

But I don't know how and where to start. I'm too overwhelmed. I'm too happy.

And I'm too scared.

What if I start to question his feelings? What if he gets angry? What if I hurt him? What if he suddenly wakes up from this nightmare and decided that Mariko is still the one he loves? And not me?

What will happen to me?

"Baby," a happy and deep voice suddenly called me. Napatingin ako sa aking harapan. Hindi ko napansing napatigil ako sa paglabas ng gate at nasa harapan ko na si August. Gio was standing beside him, waiting for me to go out, too. "May problema ba? Nakakunot sobra ang noo mo."

"Ha?" Napakurap ako. Tumikhim. Umiling para matigil sa mga iniisip. "Wala. May naisip lang ako pero wala iyon. Bakit ka pala nandito?"

Inayos ko ang aking shoulder bag at lumabas na ng gate at sinira iyon. Tumingala ako kay August dahil sa tangkad niya. Ang bilis lumapad ng ngiti sa labi ko nang mapagmasdan ko ang itsura niya.

Ang gwapo niya ngayon, ah? I mean, gwapo talaga siya noon pa man pero mas lalong naging pogi siya ngayong araw dahil sa ayos niya.

He looked, well, formal. His usually messy black hair was now neatly combed. Nakasarado rin lahat ng butones ng kanyang polo na noon ay madalas nakabukas ang unang dalawang butones. Walang kahit anong makikitang gusot sa uniform niya. Makinis din ang black shoes niya.

Panghuli, ang bango bango niya. Nanlaki tuloy ang butas ng ilong ko dahil sa pagsinghot sa pang lalaki niyang pabango. Umaalingasaw sobra, eh.

Pagbalik ko ng aking paningin sa mukha niya, nakasimangot na siya. Magkasalubong ang kanyang mga kilay at nakangiwi.

"What are you talking about? I'm officially your suitor. Of course I'll be here to fetch you," he said, irritated.

"Hindi ba secret lang ang tungkol sa ating dalawa? Kapag sabay tayong pumasok, magtataka at maghihinala ang lahat."

Napakagat ako ng labi nang makitang mas lalo siyang nairita. Bigla tuloy akong nanliit sa tingin niyang napakasama.

"Anong pakialam ko sa kanila? Bahala sila kung anong isipin nila. Basta gagawin ko ang gusto ko. Kapag nagtanong sila, eh 'di huwag na lang tayo magsalita. Bahala silang umikot ang pwet sa sobrang pagtataka."

Ngumuso ako. I don't want to argue with him right now. Lalo pa at mukhang masaya at maganda ang mood niya kanina. Nasira lang dahil binuksan ko ang bibig ko at kinuwestyon ang presensya niya ngayon sa harapan ko.

Be the Delinquent's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon