Chapter 19: I'm Sorry Is All I Could Say

1.1K 31 3
                                    

Chapter 19: I'm Sorry Is All I Could Say

---- -- ----


MANA LOUISSE TACHIBANA

August Constantin Ongpin was jealous.

Sapat na pruweba na ba iyon para makumpirma ang nasa isip ko? Ang hinala ko?

I don't want to assume! And it's too good to be true!

Si August, iyong lalaking matagal ko nang mahal, gusto ako? Seryoso ba? Hindi ba ay parang hindi kapani-paniwala? Paano, 'di ba? Ni hindi nga niya ako masulyapan o matitigan nang matagal noon pa man.

Wala akong mapaglagyan ng tuwa kaya nasabi ko kina Shannon, Erza, Iesha, at Gio ang nangyari. Sinabi ko rin sa kanila kung ano man ang tumatakbo sa isipan ko. Kung anong hinala ko. Iba-iba sila ng reaksyon at ng sinabi.

Nakapabilog ang mga upuan namin pagkatapos kainin ang mga baong pagkain. Hindi kami kumain sa cafeteria dahil ang sabi ko, may ibabahagi ako sa kanilang magandang balitang sila lang dapat ang makarinig.

"Yay! I'm so happy for you, Mana! The guy you like, likes you back." Ang laki ng ngiti ni Shannon.

"Hindi ako naniniwala sa opposite attracts pero kung siya ang ibinigay ni God sa'yo, masaya ako. Susuportahan ko kayo," madramang sabi ni Iesha at natawa ako.

"Kung makapag react naman kayo, parang sila na. Hindi pa nga umaamin, e. Sinabi lang niyang niyang nagseselos siya." Ngumiwi si Erza.

Naging bangaw ang tawa ko. May point kasi siya. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay kapag nagselos ang babae o lalaki, may feelings na siya para doon sa tao. Kahit pa sabihing 99% sure na kapag nagselos, may feelings na. Mayroon pa rin namang natitirang 1% na nagselos pero walang feelings na nararamdaman. Malay natin ay kasama si August doon sa one percent.

"Napaka pessimistic mo! Ganyan siguro talaga kapag walang love life! Hindi romantic!" sabi ni Shannon.

Sumang-ayon naman si Iesha. "Minsan ay kailangan nating maniwala sa mga impossible things."

"Ganoon na ba talaga ka-impossible magkagusto si August sa akin?!" asik ko. "Sobra na kaya akong kinikilig dito! Iniisip ko pa lang na gusto talaga ako ni August, ay, grabe! Mahihimatay na ako! Paano pa kaya kapag totoo? Baka mamatay na ako sa sobrang kilig at saya? Aaaahhh!" I squealed and they laughed except for Gio.

Nakapangalumbaba lang siya habang pinapanood kaming magsalita. Tahimik, kagaya ng nakasanayan. Pero gusto kong marinig ang opinion niya sa kinuwento ko.

"Ikaw, Gio, ano sa tingin mo? May gusto kaya sa akin si August?" tanong ko.

He looked at me with lazy and sleepy eyes. Lahat kami ay nag-aabang sa sasabihin niya.

"Lahat ng lalaking nakikita tayong magkasama, nagseselos. Kasi gusto ka nila. Maybe that August guy is the same. He got jealous of me because he likes you. Maybe."

Kaming tatlo nina Shannon at Iesha, napatili sa sinabi niya. Bumuntong-hininga naman si Erza.

"Giovanni! I love you! Aahh! Pinasaya mo ako sa sinabi mo!" Tumayo ako, pinuntahan siya sa kanyang upuan, at niyakap siya nang mahigpit.

"I-I can't breathe..." reklamo niya pero hindi naman niya ako tinulak palayo sa kanya.

Magaan pa nga niyang nilagay ang mga kamay niya sa magkabilang baywang ko.

Be the Delinquent's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon