Chapter 48: All the Hidden Feelings

619 32 0
                                    

Chapter 48: All the Hidden Feelings

---- -- ----


AUGUST CONSTANTIN ONGPIN

"Tell me, August, where did I go wrong? Dati kong pinapasaya, masaya na sa iba."

Kagat ang labi, napayuko ako. Iba ang sakit na dulot ng mga salita niya sa akin. Pinipiga ang dibdib ko. Hindi ako makahinga nang maayos.

"You did nothing wrong," I whispered. "It was my fault why we ended up like this. My love for you wasn't strong as I thought it was. It was a shallow love."

Pumikit ako nang marinig ko ang mahinang halinghing niya. Nagsimula siyang umiyak at wala akong ginawa para patahanin siya. Dahil ang mga susunod kong sasabihin ay mas lalo pang magpapahagulgol sa kanya.

My lips started trembling.

"H-Hindi na ba talaga tayo mababalik sa kung ano tayo noon?" tanong niya.

"Sorry, Mariko. Hindi na kasi talaga pwede. Girlfriend ko si Mana at mahal ko siya."

Humikbi siya. Mas malakas. Nanatili akong nakapikit, nanginginig ang mga labi, nakakuyom ang mga kamao, pinipiga ang puso.

"Siya ang first... girlfriend mo."

I could hear the bitterness on her voice. I gulped.

"Oo. At siya rin ang magiging last ko," marahan kong sabi. I wanted to be honest with her. Masasaktan ko rin naman siya kahit anong sabihin ko kaya mas mabuting masaktan ko siya ng katotohanan. "Gusto ko na siyang ipakilala kina Mama at Papa. Pero hindi ko pa masabi sa kanya ang gusto ni Papa. Iyong... kung sino ang unang ipakilala kong girlfriend, siya na hanggang sa huli. Nag-aalala ako baka mabigla si Mana. Matakot."

Natahimik siya bigla. I didn't tell her about that. About what my Papa wants.

Dahan-dahan akong dumilat. Umawang ang aking bibig nang makitang nakangiti siya nang malungkot habang nakatingin sa akin.

"I know about it. What your father wants. July said it to me. Iyon ang isa sa mga rason kung bakit hindi mo ako maligawan. Kung bakit kahit alam naman ng lahat na mahal natin ang isa't isa, hindi mo pa rin ako kayang gawing girlfriend. Hindi dahil sa torpe ka, kung 'di dahil sa umpisa pa lang, hindi ka na sigurado sa akin..."

Damn it, Hulyo! Gusto kong pukpukin ng martilyo ang madaldal mong bibig!

"Mariko..." pumungay ang aking mga mata nang tawagin ko siya.

"I kept running away," she said and swallowed hard. She stared at me intently and all I did was to look back guiltily. "I kept running away from the truth. But I guess it's about time to face it. The reality. Sinagot ka na ni Mana, talo na ako. Natalo ako nang hindi man lang lumalaban. I'm still weak and scaredy-cat. But, August... I want to know your true feelings."

"Mariko, I don't know what to say to you. Or how I will apologize. Hindi ko alam kung paano ka pakikisamahan pagkatapos ng ginawa ko sa'yo. Ang hirap ipaliwanag iyong totoo kong nararamdaman nang hindi ka nasasaktan."

"Nasasaktan mo na ako ngayon. Ano pang ikinatatakot mo?" sabi niya at gusto ko na lang lumuhod sa harapan niya at humingi ng tawad nang walang humpay. "Sabihin mo na sa akin. Did you really love me?"

Napahilamos ako sa aking mukha saka tumango. Pinagsalikop ko ang aking mga kamay at pinagpahinga ang noo roon, mga siko ay nakapatong sa aking mga binti. Muli, pumikit ako.

Be the Delinquent's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon