Chapter 36: August, Shou, Gio, Urie

721 27 0
                                    

Chapter 36: August, Shou, Gio, Urie

---- -- ----


AUGUST CONSTANTIN ONGPIN

"Ano? Nanigas ka na, baby ko," nakangising bulong ko habang yakap-yakap ko siya patalikod.

Nadatnan ko ang matinding pamumula ng kanyang mukha. Hindi ako nag-abalang tingnan ang mga chismoso at chismosang estudyante ng Inori Academy.

May bago pa ba? Puta. Sanay na ako sa mga iyan.

Kung gusto nila ng show, pagbibigyan ko sila.

Humigpit pa lalo ang mga braso kong nakapalupot sa baywang ni Mana. She shrieked. I laughed. And her friends—Iesha and Shannon giggled in front of us.

"Oh my God. Let me go," she said, gritting her teeth.

"Paano kung ayoko?" I teased her.

"August, ang daming nakatingin." Hindi man lang siya gumagalaw. Hindi man lang ako tinitingnan. Naninigas lang talaga ang buong katawan niya habang nakayakap ako. Natawa ako sa mismong tenga niya kaya napatili siya. "August! Oh, please!"

"Please what, baby?" I asked in a whisper.

Ahhh. I want to tease her more.

"Let me go. Let me go. Let me go," paulit-ulit niyang sabi, yumuyuko. "Baka mapunta tayong Detention Room kasi PDA tayo. Please. Sa... sa ibang lugar mo na lang ako yakapin nang ganito," she suggested.

I barked a low laugh again. I felt my ears heated up.

"Saang lugar? Sa loob ng kwarto mo? O sa loob ng kwarto ko? Saan mo gusto, baby?"

She hissed. She tried to get away from my arms. Naawa naman ako dahil pulang-pula na ang buong mukha niya kaya pinakawalan ko na.

Hinarap niya ako, kagat-kagat ang pang-ibabang labi. Binigyan ko lang siya ng isang ngisi.

"Ewan ko sa'yo! Stop teasing me!"

"Kunwari ka pa, Mana. Gusto mo rin naman!" Shannon shouted. "Magpalandi ka na! Sus!"

"Shannon! Iyong bibig mo!" Parang si Iesha pa ang nahiya sa sinabi ng kaibigan niya dahil pinagsabihan niya ito.

"Matagal mo nang hinintay ang pagkakataong ito! Seize the moment, my dear friend! August adores you so much! Just like what you wanted all along! You wanted him so much for a long time!"

Mana glared at Shannon.

"Oh, please! Shut your mouth!" she told her.

"What? Mana wanted August all along? This is the first time I've heard it," someone from the crowd said in disbelief.

Nasundan iyon ng iba't ibang reaksyon. Umirap ako at inabot ang kamay ni Mana para makuha ang atensyon niya.

Hindi mapakali ang mga mata niya nang humarap ulit sa akin. Hindi siya makatingin sa akin nang diresto. Sobrang diin ng pagkakagat niya sa kanyang labi.

Oh, baby. Tigil na sa pagkagat. Ang cute cute mo sa itsurang iyan pero huwag mong kawawain ang labi mo. Hahalikan ko pa 'yan nang madaming beses.

Pinisil ko ang kamay niya.

"Sabay tayong umikot sa mga booths at stalls mamaya, okay?" sabi ko at tumango naman siya. "Sa akin mamaya lahat ng oras mo, okay?"

"But... I'll be busy today," she whispered in a rueful tone.

Ngumuso ako.

"Eh 'di lahat ng free time mo, sa akin. Okay ba 'yon? I wanna date you today. Here in school grounds."

Be the Delinquent's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon