Chapter 45: Sanderson's Mansion

609 22 0
                                    

Chapter 45: Sanderson's Mansion

---- -- ----


MANA LOUISSE TACHIBANA

Huminga akong malalim habang tinitingala ang malaki, matayog, at kulay puting gate sa aking harapan.

Matagal kong pinag-isipan ang gagawin kong ito. Nawala ang pokus ko sa pag-aaral kaya natanggal ako sa pagiging top 2 dahil isa ito sa lumalamon sa isipan at atensyon ko. Masakit at nakakababa ng confidence pero hindi ko pinagsisisihang nawala ako sa nakasanayang top. Hinayaan ko na lang. I don't want to dwell too much on regrets.

Sa huli, kahit ayaw ko itong gawin, kahit natatakot ako, kailangan ko pa ring gawin.

This is my resolve.

Ito ang napagdesisyonan kong paraan para hindi na masaktan si August. Mainsecure...

Unti-unting bumukas ang malaking gate. Nadatnan ko ang dalawang security guards kasama ang maraming nakaitim na personal guards ng Sanderson. Malaki at kilalang pamilya sila dahil nabibilang ang bawat miyembro nila sa mga sikat at magagaling na politiko hindi lang sa Bayan ng Inori, kung 'di sa iba pang kalapit na bayan.

Normal na lang sa isang politician family ang magkaroon ng ganito karaming body guards.

"Kuya, nasabi na ba ni Urie sa inyong dadalaw ako?" mahinahon kong tanong sa isang security guard na nagbukas ng gate sa akin.

Ang mga nagtatangkaran at matitipunong nakaitim na body guards ay mariin ang tingin sa akin sa hindi kalayuan. Napalunok ako.

Tumango ang isang guard.

"Oo. Maaga pa lang ay nasabi na sa amin Sir Urie. Binilin niya sa aming ihatid ka sa kwarto niya," sabi niya at tumingin sa isang nakakatakot na body guard. "Siya na po iyong bisita ni Sir Urie."

Lumapit sa akin ang body guard habang may sinasabi sa kanyang walkie-talkie. Napalunok ulit ako. Napapunas ako sa namumuong pawis sa aking noo dahil sa kaba at init ng panahon.

Ang pang tanghaling hangin ay malakas umihip nang magsimula akong igiya ng body guard sa malawak na garden. Wala akong makitang mga bulaklak na kagaya ng palagi kong nakikita sa isang garden. Ang tanging nakita ko lang ay ang maayos at magandang pagkakagawa ng moss lawn sa gilid ng pathway na aking dinadaanan at iilang puno.

Oh. Well. This is not a simple house anymore. This is a mansion! It was a huge white Victorian mansion!

I glanced up at the body guard when I felt he was looking at me. I gulped, once again. I was intimidated!

"Girlfriend ka ba ni Sir, Ma'am?" tanong niyang ikinabigla ko.

Dahil siguro kabado ako kaya sobra-sobra ang gulat ang naipakita ko sa tanong niya.

Agad akong umiling. Hilaw na ngiti ang ibinigay ko sa kanya.

"H-Hindi po. Kaibigan lang."

"Talaga? Eh, Ma'am, puno ng pictures mo ang kwarto ni Sir. Kaibigan ka lang pala? Akala ko gf ka na niya, eh."

Tumawa siya. Hindi naman ako makatawa! Alam kong nagbibiro lang siya pero nakakaramdam ako ng kaba!

"Hindi po, ah..."

"Ikaw lang ang babaeng bumibisita at kumakausap sa kanya maliban sa relatives niya, Ma'am."

"Oo nga po, eh. Nakakalungkot na wala siyang ibang kaibigan bukod sa akin at sa mga... gang members niya."

Be the Delinquent's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon