Chapter 8: Teacher Gustavus

1.1K 38 1
                                    

Chapter 8: Teacher Gustavus

---- -- ----


AUGUST CONSTANTIN ONGPIN

Nang dumating ang last subject, bago pa pumasok ang teacher namin para roon, nag cut na kami ng class ni July. Dumiretso kami sa cafeteria dahil ang parehas humahapdi ang mga tiyan namin.

"August, sumali ka rin kaya sa choir? Para may kasama ako?" tanong ng kambal ko.

Agad akong ngumiwi. "Ano? Hindi naman ako marunong kumanta. At kung marunong man, hindi ako sasali. Baliw ka ba?"

Inirapan niya ako. "Napaka walang kwenta mo talagang nilalang."

"Eh, sa ayoko nga. Bakit mo ba ako gusto pasalihin do'n? Ano? Natatakot ka na? Ang dami mo kasing alam. Hindi mo naman gustong sumali talaga diyan. Pasikat ka lang kay Ace."

Tumulis ang nguso niya. "Hindi naman ako pasikat kay Ace. I'm just trying to change."

Humalakhak ako sa huling sinabi niya. "Kingina. Seryoso?"

"Anong nakakatawa?!" Inambahan niya ako. "Subukan mo kasing magbago. Hindi iyong puro kalokohan at away ka."

"Kung makapagsalita ka parang ang sama-sama kong tao." Pumalatak ako.

"Bakit, hindi ba? Ang sama mo kaya! Nananakit ka ng babae!"

"Ikaw, nanloloko ka naman ng kapwa mo."

Malakas siyang suminghap. Bull's eye, huh?

Umupo kami sa bakanteng table pang dalawahan. Hindi pa umiinit ang pwet ko sa pagkakaupo, gusto ko na agad umalis. Paano ba naman kasi, si Teacher Gustavus ay nasa tabing table lang namin at titig na titig sa akin. Sa akin! Hindi siya iyong tipo ng titig na may ginawa kaming kasalanan at nahuli niya kami. Iba iyong titig niya. Nakakailang. Pucha.

Sinulyapan ko si July para sabihin iyong klase ng titig na ibinibigay sa akin ni Teacher Gustavus pero mabilis niyang nilapag ang pera sa mesa at tinutok na ang paningin sa kanyang cellphone.

"Ikaw na bumili ng pagkain ko. Burger steak at mango shake."

"Lumipat tayong upuan," bulong ko.

Nagsalubong ang mga kilay niya pero hindi siya tumingin sa akin. "Dito na."

"May katabi tayong teacher," mariin kong bulong para matakot siya. "Nasa kabilang table siya. Si Teacher Gustavus."

"So? Ano naman?"

Aba't! Gusto ko na siyang hilahin paalis! Pucha!

"Titig na titig siya sa akin!"

Nagawa pa niyang tumawa. Sinulyapan niya ako. "Baka may nagawa kang kasalanan. Hala, lagot ka."

Sa inis ko dahil hindi niya ako sineseryoso, malakas kong pinitik ang noo niya. Umaray siya at pailalim akong tiningnan. Tumayo ako at nagmamadaling pumunta sa counter para iwasan ang pagkakaroon ng eye contact kay Teacher Gustavus.

Bakit ba siya nakatingin sa akin? Iyong titig pa niya ay parang sinusuri ang buong pagkatao ko! Iyong titig na parang pati mga nagawa ko sa past life ko ay inaalam niya!

Blangko ang utak ko habang bumibili ng pagkain. Nang bumalik ako sa table dala ang tray at nilapag iyon, agad akong nakatanggap ng reklamo kay July.

"Ano 'yan? Burger steak ang sabi ko! Hindi curry! Kainis!"

Ngayon ko lang napansing dalawang order ng curry ang nabili ko! Wala sa sarili kong tinuro ang mga ito dahil occupied ang isip ko ng mga tanong kung bakit titig na titig sa akin ang teacher na 'yon!

Be the Delinquent's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon