Maagang natapos ang party. Nauna ng umuwi and Daddy ni Paul at ang kanyang bunsong kapatid na si Lucy.
Nang magpaalam narin si Paul sa kanyang pamilya, nagprisenta siyang ihatid ito sa kanilang gate.
"What you just told me, we've met before.. When was that?" Seryoso nitong tanong.
Hindi ito sumagot. Ngumiti lamang ito sa kanya.
"I have to go.. We have a lot to discuss tomorrow. Don't be late ok?" Kasabay ng isang mabilis na dampi ng kanyang labi sa kanyang pisngi.
"Take care.." ang tangi nitong nasabi.
Ilang oras na siyang nakahiga sa kanyang kama ngunit hindi siya dalawin ng antok. Paulit-ulit niyang sinasariwa ang nangyari kani-kanina lang.
Did he tell her about this?
Yun ba yung something na he needs to explain to his girl friend at hindi nya magawang i-share sakin when I ask him?"I feel sorry for her.. anu ba 'tong pinasok ko." She felt guilty about it.
Nang makarating siya sa office kinabukasan, everyone is glad to see her.
Ramdam niya ang kasiyahan sa loob ng kanilang upisina.
"Hi! napaaga ka ata ngayon?" Nadatnan niya si Paul na nakaupo na sa kanyang swivel chair.
"Oh, I just don't want you to be waiting as always.."
naka-smile ito sa kanya.
'Nakakailang' Ito ang naramdaman ni Andrea na may halong 'kilig'.
Tumayo si paul at binitbit ang kanyang bag.
"Let's go somewhere..""huh? saan?" tanong nito.
Inakbayan siya nito, bagay na nakapagpatindig ng kanyang balahibo.
"Somewhere we could talk privately"
Then they left...
Hindi gaanong malakas ang sikat ng araw sa labas. Lulan sila ng kotse ni Paul na siya mismo ang nagmamaneho. Napansin niyang palabas na sila ng syodad.
Tagaytay City.... Eto ang nabasa niya sa isang landmark. Mas ginusto niyang manatiling gising kahit kanina pa sinasabi ni Paul na umidlip muna siya.
"Wow! Manghang bulalas niya ng makita ang Taal Volcano.
"Haha! It seems like it's your first time to see that." pangungutya nito sa kanyang fiancé.
"Yeah, I've never been here. This place is amazing.." tugon nito.
Pinark ni Paul ang kanyang sasakyan sa harap ng isang private resort. Bumaba si Andrea at nilanghap ang sariwang hangin. Medyo may kataasan ang resort kaya naman tanaw nya ang lawa ng taal at iba pang lugar na may mga sariwang puno.
"Where is this place?" Tanong nito.
"We're in Batangas"
"Come, let's go inside." Yaya ng lalake.They were holding hands when they get inside the resort. Maayos ang loob at walang ibang tao maliban sa dalawang crew na nag-aayos ng mesang kakainan nila.
BINABASA MO ANG
I'm letting you go...
RomanceIt was just an arranged marriage that will only last for six months. Will he give her a chance to turn that 6 months into forever? If she's ready to fight, does she really have the right?