Andrea's not well

229 7 1
                                    


..... Minsan, may mga bagay na mahirap pagdesisyonan. Minsan hindi lahat ng sinisigaw ng puso mo, kailangan mong sundin.....


___________________

ANDREA


Kanina pa siya pabalik-balik sa CR. Hindi narin niya maintindihan ang nararamdaman lalo na kapag marami siyang inaasikaso sa loob ng kanyang opisina. Balak niyang umuwi nalang at magpahinga ngunit ayaw din naman niyang umuwi sa kanilang bahay sa kadahilanang magmumukmok lang naman ito sa kanilang kwarto at magpapanggap na nasa ibang bansa ang kanyang asawa sa tuwing tinatanong ito ng kanyang yaya. Ayaw niyang sayangin ang luha niya sa lalakeng balak sumira ng kanyang buhay. Buo na ang kanyang desisyon na tumayo ito ng mag-isa at ipaglaban ang kayamanang naiwan ng kanyang ina. Hindi siya papayag na makuha nalang ito basta-basta.


Marahan niyang binuksan ang kanyang drawer at kinuha roon ang isang envelope.


"Ipapakita ko sa 'yo, na hindi basta-basta ang pinili mong banggain. Paul Trinidad, mararamdaman mo ang bagsik ng yaman ko. At ngayong araw ko sisimulan. Humanda ka, dahil bukas makalawa, lalapit ka saakin para magmakaawa."


She slowly removed her ring on her right finger and placed it on her drawer.

"Akala ko may pag-asa ang six months. Akala ko.... pagpapanggap lang ang kasal natin, pero mas masahol pa pala doon. Isa kang malaking tanga Andrea.."

At unti unting nangilid ang kanyang mga luha.

_______________________________________________

ANNIE'S POV

"Ano?! anong katangahan ang ginawa mo at natanggal ka! Hindi ako pwedeng mabigyan ng ibang doktor!"

Nangangatog ang mga paa nito sa nalamang natanggal sa trabaho ang doktor niyang si Kevin Ayate. Pareho nilang alam na hindi pwedeng mangyari iyon. Konting araw nalang ay dadalhin na ito ni Paul sa Amerika upang ipagamot. At doon, doon ay okay lang sa kanyang malaman ng lalake ang totoo. Na fake ang sakit niya at nagawa lang niya iyon dahil sa sobrang pagmamahal niya sa lalake. Nararamdaman niyang bumabalik na ang nararamdaman nito sa kanya kaya naman hindi pwedeng mabulilyaso ang kanilang plano. Dapat nga ay last week pa sila nakaalis kung hindi lang nadelay ang release niya sa Hospital dahil sa katangahan ng kanyang pekeng doktor. Pumayag ito na magpanggap na doktor niya at pineke ang mga papers niya para sa kasunduan niyang kapag pinakasalan siya ni Paul ay tutulungan niya itong mapawalang bisa ang kaso ng kanyang tinuturing na ama sa pagnanakaw ng ibang pera ng kumpanya ng mga Trinidad. At ngayon nga ay nalaman niyang natanggal ito at hindi niya alam kung saan sila pupulutin.


"Annie, wala akong magawa. Mabuti nga at hinayaan lang nila akong materminate at hindi ako nakulong." sagot naman ng lalake sa kabilang linya.


"Eh tanga ka pala eh! ano ba kasing nangyare!" Hindi siya makapaniwalang natanggal ito. Paano na ang plano nya?


"Annie, ang sabi mo sakin, kapag nagkabalikan kayo ni Paul ay magagawa mong tulungan ako na mapalaya ang tatay ko sa kulungan. Pero ano? anong petsa na hindi ka parin niya pinapakasalan. Ang sabi mo, kapag nalaman ng boyfriend mo na may taning kana ay malamang pakasalan ka agad. Pero bakit parang puro ka lang naman akala?"

Mahabang litanya nito. Tama ang lalake, kahit siya ay inakala niya iyon. Umasa siya na baka maawa ito sa kanya at balikan ulit. Tinangka din niya itong halikan ngunit hindi na gaya ng dati ang pagtugon nito. Hindi rin siya makapaniwala ng sabihin nito na hindi niya kayang magsinungaling sa kanya.

I'm letting you go...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon