Hospital

291 8 0
                                    

____________Don't forget to VOTE! :) ________________________


Patuloy parin ang pag-iyak ni Andrea habang yakap-yakap siya ni Paul. Tila nawawala na ito sa kanyang sarili at hindi na niya naririnig ang lalake.

"Andrea. Listen to me. Everything's gonna be okay. I am here."

Sinisikap parin niya itong pakalmahin.

"Let's go. I'm with you."

Inakay niya ito pababa ng hagdan hanggang sa labas patungong kotse. Nagpasalamat siya ng malugod namang pumasok si Andrea sa loob ngunit nanatilig impit ang paghikbi.

"Manang!" Tawag nito sa matandang kasalukuyang naglilinis sa harap ng kanilang pool. Agad naman siya nitong narinig at dali-daling lumapit.

"Bakit ho ser?"

"Manang there's no time. Pumasok na po kayo't aalis tayo. Pupunta tayong ospital."

Pinagbuksan niya ito ng pintuan ng kotse at dali-dali ng pumasok sa driver's seat saka hinarurot ang sasakyan palabas ng kanilang gate.

"Andrea?!" Nagulat ang matanda ng makita niya ang dalaga sa loob ng kotse. Katabi niya ito dahil sa likod rin siya sumakay.

"Anong masakit anak? Ha? Sigurado ka bang gusto mong pumunta ng ospital?"

Muling tanong ng matanda ngunit hindi ito sumagot bagkus ay niyakap siya nito kasabay ng mahinang pag-iyak.

"Natatakot po ako manang. Baka po kung anong mangyari kay dad."

"Ano?! Anong nangyari sa papa mo? Diyos na mahabagin!"

"Calm down Andrea. I already called. He's fine now. Okay?"

Ngunit tila hindi naman nakatulong ang kanyang sinabi dahil patuloy parin ito sa paghikbi.

Ilang minuto pa ay narating na nila ang hospital. Nakababa na sila at kasalukuyang papasok sa loob.

"Naku ser. baka mas mabuting dito nalang ho kami ni Andrea sa labas."

Si manang ester ang nagsalita.

"Hindi pwede manang. We need to see dad kung okay naba talaga ang kalagayan niya."

Hawak-hawak ni Paul ang malamig at nanginginig na kamay ni Andrea. Pagkapasok nila ay hindi naman masyadong matao sa loob dahil isa iyong private hospital na para sa mga elite na kagaya ng pamilya nila. Namangha siya ng mas humigpit ang pagkakahawak ni Andrea sa kanyang kamay.

Wiiww... wiiiwww...wiiww.....

Isang ambulance ang paparating at nagsilapitan ang mga nurse roon. Inakay niya si Andrea dahil parang naramdaman niyang natakot marahil ang dalaga sa narinig.

"Are you okay?"

"Y-yeah.." maikli nitong tugon.

Nasa tabi na sila ng ER (emergency room) ng ipasok roon ang pasyenteng duguan galing kanina sa labas. Napatigil sila at tumabi para magbigay daan roon.

I'm letting you go...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon