Isang buong araw na hindi tumawag o nagpakita si Paul kay Andrea.
Nasanay siyang sa mga nagdaang araw ay lagi itong nasa tabi niya na wari moy napaka-Sweet sa kanya.
Well, that’s what people believe especially their family.
Handa na ang lahat ng kailangan for their marriage. Papers, visitors, reception at ang gown na susuotin niya. Maaga siyang nagising ngayon to welcome her relatives from US. Hindi siya makapaniwalang bukas na ang kanyang kasal.
Her dad and Mr. Juaquin Trinidad, her future father in law also took a leave today for the preparation of their wedding. Ayaw nilang ma-stress si Andrea sa araw ng kanyang kasal kinabukasan dahil sa pagod. Para lang siyang prinsesa na tagasabi ng ‘Yes’ or ‘No’ if she likes it or not. Pinipilit niyang magmukhang masaya sa harapan ng mga ito kahit punong puno siya ng galit at pagdaramdam.
In just six months Andrea, kaya mo to..
She is trying to convince herself.
“Hija, halika. Eto ang design ng cake na pinili mo para bukas. Do you like it? Did Paul call already?” Sunod-sunod natanong ni Don Alfonzo habang hawak-hawak ang folder mula sa kanilang event planner na mula pa sa ibang bansa.
“Y-yeah.. He said he’s busy today.ayaw daw niyang mabahala ang mga empleyado niya while he is on a vacation.” Hindi niya alam kung saang sulok ng isip niya nakuha ang lumabas sa kanyang bibig para pagtakpan ang kanyang fiancé.
“Kaya naman pala hindi nanaman siya umuwi kagabi sa bahay.” Hayag naman ni Mr. Trinidad, ang ama ni Paul.
Hindi siya umuwi? Saan nanaman kaya siya nagpunta? Bulong ni Andrea sa sarili.
Napakahirap para kay Andrea ang magkunwaring masaya. Lalo na ang pakikisama niya sa kanyang daddy na parang wala lang ang lahat ng nalaman niya.
But this is only within six months at handa na siyang panindigan ang plano nila ni Paul.
“Andrea, don't tell me wala kang bridal shower tonight? Gosh! Andy, last na to! “
Si Sab, ang kanyang maarte at sosyalerang kaibigan kasama si Nikki. Dumalaw ang dalawa sa kanya dahil nga bukas na ang kanyang kasal.
Nasa kwarto lang siya pag hindi kailangan ang kanyang ideya sa nalalapit na niyang kasal.
Hindi pa ito ang last at hindi na kailangan. Hindi naman forever ang kasal na ito.
Kamuntikan na niyang masabi.
“There's no need for that. My dad doesn't want me to go out. Dito nga lang ako nakakulong. Pumili lang ako ng mga gusto ko for my wedding. Sinukat ko lang yung pinadalang gown ni Paul. Yun lang. Ni hindi ako napagod.”
“Hoy Andrea, kaylan mo balak ipakilala samin yang fiance mo na yan ha? Aba kasal niyo na bukas bakla! Ni hindi man lang kami invited dati sa proposal niya sayo.”
Si Nikki naman ang nagsalita. Ang kanyang kaibigang wagas kung makasermon.
BINABASA MO ANG
I'm letting you go...
RomanceIt was just an arranged marriage that will only last for six months. Will he give her a chance to turn that 6 months into forever? If she's ready to fight, does she really have the right?