My husband's bestfriend

398 9 0
                                    

_______ at dahil naging busy ako ng konte. Hindi muna ako nagkapag-update. :) sorry______

Maga-alas onse na ng gabi ngunit wala pa si Paul. Mukhang nahirapan pa ang kasama nitong lalake na iyuwi siya at hanapin ang kanilang bahay. Nakailang ikot pa siya sa paglalakad-lakad sa tabi ng pool ng may bumusinang sasakyan sa labas. Dali-dali naman itong lumabas ng kanilang gate at nakita niyang akay-akay si Paul ng isang matangkad, matipuno at guwapong lalake.

Siya ba yung sana phone kanina? In fairness, cute siya. Ano ba to, may asawa kaya ako!

:D

“Ah.. Misis, baka naman tulungan mo pa akong buhatin tong asawa mo.”

Saka lang ito bumalik sa katinuan ng magsalita ang lalake.

"ah, s-sorry..”

Lumapit ito at inilagay niya ang kanang braso ni Paul sa kanyang balikat.

“Ako na”    Ambigat!

“Dude, I’m fine. Okay? Thanks pare.”

Ang lasing na boses naman ng kanyang asawa habang nakapikit na at halos hindi na makapaglakad sa sobrang lasing.

Nakakapagsalita naman pala ang loko!

“Thanks. By the way I’m Andrea.” Si Andrea naman ay nagpasalamat sa lalake.

“It’s okay. Are you sure kaya mo na siyang ipasok sa loob?”

“Yeah. Thank you.”

“Bro. alis na ako. Naku, lagot ka sa misis mo. Haha! Pano Mrs. Trinidad. I have to go.”

Paalam ni Alen sa kanila at sumakay na ng kanyang kotse. Kumaway pa si Andrea bilang pamamaalam sa Cute guy na kaibigan ni Paul.

Inalalayan naman ni Andrea si Paul sa paglakad papasok ng gate.

“Maglakad ka nga! Ambigat mo e. Hindi ito kasali sa usapan natin ha! You owe me this!”

“Haha!! Hindi nga pero kasama ito sa pagiging asawa. Minsan maganda ka lang talaga, pero madalas uto-uto kadin.”

Aba! Namuri na nga nanlait pa. Maganda ako? Itulak kita diyan eh. Lasing na masungit parin!

“Hoy! Sa susunod wag kang maglasing kung di mo kaya!”

“After how many years ngayon lang kami nagkita nun ni Alen. Sa lahat, siya lang ang pinagkakatiwalaan ko ng problema ko.”

“Problema?”

Tumigil si Andrea sa paglalakad.

“Wala! Nahihilo na ako. Pumasok na tayo.”

“Maglakad ka mag-isa mo Ayaw mong sabihin e.”

Namewang pa si Andrea habang nakatayo kaya napasubsob bigla si Paul sa may halaman malapit sa pool.

“Bakit ba? Ano bang paki-alam mo? Dito na ako matutulog bahala ka. Isusumbong kita kina dad.”

Ipwinesto na nito ang sarili sa halamanan.

I'm letting you go...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon