I've been busy :)
pero, I'm gonna end this na sa lalong madaling panahon. :)
Thanks for reading! Please vote!Nikki decided to enter the gate of the orphanage ng matapos itong tawagan ni Andrea na nasa kalagitnaan pa ito ng traffic but is already near the place. Minabuti niyang tinungo ang garden doon dahil napansin niyang tahimik ang paligid at gusto niyang sabay sila ni Andrea sa pagsurpresa sa mga bata at doon nalang niya ito hihintayin.
Umupo siya sa isang upuang yari sa bato sa may lilim ng punong kahoy. Ramdam niya ang malamig na samyo ng hangin na nagmumula roon kasabay ng namumutawing katahimikan at samyo ng mga bulaklak mula sa hardin. Nakaraan ang ilang minuto ngunit wala pa si Andrea. Naisip niyang maglakad-lakad muna sa di kalayuan. Malawak ang hardin na iyo sapagkat nahahati iyon sa ibat-ibang uri ng halaman. Napatigil ito ng may maulinigang usapan sa di kalayuan. Nagpasya siyang magtago sa isang puno dahil baka makita siya ng mga ito at maudlot ang binabalak niyang surpresa sa mga bata. Inisip niyang baka mga madre iyon o ang mga batang makukulit na madalas maglaro roon.
"Paul, I missed you and I can't wait to see that ring out of your finger. Tapusin mo na habang mas maaga. Can't you even feel any guilt?"
Nagimbal ang loob niya sa narinig mula sa hindi niya kilalang boses. Hindi kasi iyon usapan mula sa isang taong batang edad at mas imposibleng mga madre iyon. Pero sino? sinong Lovers ang dadaan pa sa hardin ng orphanage na iyon para lang pag-usapan ang ganoong bagay?
"Annie, that's the reason why we realy need to talk."
Boses ng lalake. Boses na pamilyar sa kanya.
Sinubukan niyang sumilip upang makita kung sino ang dalawang love birds na ito na pinili pang mag-usap sa hardin ng orphanage. Mga walang kahihiyan! At mukhang married pa ang lalake. Well, tsismosa na kung tsismosa. Basta ang mahalaga ay makita niya ang mukha ng mga iyon. May kung anong pakiramdam siyang naramdaman ng marinig ang boses ng lalakeng iyon.
She decided to look into the tiny woods beside the huge mango tree na kinatatayuan niya.
"I love you.. and I understand. Pero, babae rin ako. I know how it feels. Hindi ko rin naman gugustuhing malagay sa katayuan niya."
Hawak ng babae ang kamay ng lalake. Kitang-kita niya iyon sa di kalayuan. Medyo makapal ang mga dahon ng kung anong mga halaman ang nakapaligid roon kaya hindi naman siguro siya makikita. Napangiti pa siya ng marealize ang kanyang pinaggaga-gawa. Akala tuloy niya ay may shooting ng isang pelikula.
Tumayo ang lalake. Namewang ito na animo'y aborido ang isip.
When he turned his back on the girl, tumambad sa kanyang mga mata ang mukha ng lalake. Hindi siya maaaring magkamali.
It's Paul!!!
He's cheating? Oh, but no! Hindi nga ba't kasunduan lang naman ang kanilang kasal?
So he's not cheating...
But Andrea... Does she know??
Ang kapal ng mukha!
Nakapamewang pa ito ng biglang may sumulpot sa kanyang likuran.
"Bulaga!"
"Ay! Palaka!"
Napatalon pa ito sa sobrang gulat.
"A-Andrea, anong ginagawa mo dito?"
Sinikap ni Nikking tumalikod upang takpan ang dalawang naguusap sa di kalayuan. Ayaw niyang makita ito ng kanyang kaibigan.
BINABASA MO ANG
I'm letting you go...
RomanceIt was just an arranged marriage that will only last for six months. Will he give her a chance to turn that 6 months into forever? If she's ready to fight, does she really have the right?