"Nagsisimula ng magtanong ang anak ko tungkol sa kumpanya."
Isinentro pa ni Don Alfonzo ang hawak na Golf club sa bola ng golf saka ito inihampas ng malakas. Isa ito sa mga kinahihiligan nilang gawin ni Don Juaquin.
"Amigo, hayaan mo nalang kasing magkaroon siya ng kahit anong posisyon sa kumpanya mo. Para kung dumating man ang araw na malaman niya ang totoo, at least kahit papaano naramdaman niyang may halaga siya sayo bilang anak mo."
Si Don Juaquin naman ang sumunod na pumalo ng Golf ball sa kanyang harapan.
"I love my daughter Juaquin alam mo yan. At pagkatapos ng lahat ng ito, wala ng ibang matitira sakin kundi siya. I just hope na mapatawad niya ako if ever na malaman niya ang totoo. But I'll make sure na hindi niya malalaman hanggat buhay pa ako."
"Alfonzo, pareho naman tayong nagkamali. Why shoulder everything? Anak ko si Paul, responsibilidad ko siya. Ako ang puno't dulo ng lahat ng mga nangyari, walang namang dapat sisihin kundi ako."
Binuksan nito ang bote ng mineral water na dala saka itinungga.
"Ilang taon na ang nakakalipas Juaquin, ngunit hanggang ngayon hindi ko parin napapatawad ang sarili ko. Kung buhay pa ngayon si Cynthia, alam kong mai-intindihan niya ako. Everything belongs to your son Juaquin, and to you. Masyado akong naging selfish. Natakot akong iwan ako ni Cynthia kapag nalaman niyang may anak siya sayo. Hindi ko naisip na mas puwede pala siyang mawala sakin dahil sa kasakiman ko."
Naglakad ito papuntang golf cart na sinakyan nila pareho kanina para marating ang lugar na iyon.
"Hindi naman kasi kailangang umabot pa sa ganito Alfonzo. All we have to do is to be brave enough to tell them the truth. If our company will be merged and Paul will take over, how will you explain it to you daughter?"
"There's no need to explain. I know Andrea will understand and she will be proud of her husband dahil ipagkakatiwala ko ang kumpanya sa kanya including her. Si Paul na mismo ang nagsabi sa ating dalawa, they love each other."
.
.
.
.
.
.
Ilang oras ng nakatitig si Paul sa kanyang monitor ngunit hindi niya maintindihan ang report na binabasa niya. Iba ang tumatakbo sa kanyang isip at hindi siya makapagfocus sa ginagawa. Akmang tatayo na sana ito palabas ng kanyng office ng magring ang kanyang cellphone na nakapatong sa kanyang lamesa.
Calling......
IENNA
"Annie?"
Unang sagot nito sa telepono. IENNA ang pangalan nito s kanyang phone to make it unique at walang ibang nakakaalam kundi siya.
"Kumusta?"Ito lang ang maiksing tugon ng dalaga.
"Fine, ikaw?"
"I-I miss you...."
Natahimik si Paul sa narinig. Ngayon lang niya narealize na mahigit isang buwan na silang hindi nagkikita ng babae.
BINABASA MO ANG
I'm letting you go...
RomanceIt was just an arranged marriage that will only last for six months. Will he give her a chance to turn that 6 months into forever? If she's ready to fight, does she really have the right?