Kuripot

334 6 0
                                    

It's a good morning and Paul finally got into his office. May kung anong bagay na nakapagpagaan ng kanyang dibdib. Nawala ang pormal at seryoso niyang look na kinagulat naman ng mga empleyado nito. Nasanay kasi ang mga itong suplado ang itsura ng kanilang boss na animo'y nakakatakot batiin ng good morning.

"Lea, thanks for today. Expect a good incentive for this month."

Hindi mawari ng dalaga kung tatalon ba siya o maglulupasay siya sa tuwa. Hindi kasi nito gawain ang magdagdag ng bonus sa mga empleyado. Para sa kanila, dakila itong kuripot.

"Anong meron? anong ginawa mo at naiba mo ang mood ni Boss Kuripot?"

Ang mataba at tsismosang si Sandra na kabilang sa Marketing and finance department.

"I don't know. Hindi ko alam kung puwede kong ipagsabi eh. Baka matanggal naman ako pag ipinagkalat ko pa."

"Sus! ayaw manlang ishare ang blessing. Siguro nagpifiesta yan si Boss no? Nakabingwit ba naman ng multi mollionare na asawa eh.."

"Naku ma'am. Magdahan-dahan po kayo sa pananalita. Baka ho may makarinig sa inyo."

Tumingin-tingin pa si Lea sa kanyang paligid

"E totoo naman eh. Ilang taon ng kumikita ang kumpanyang ito. Tutubuan na nga tayo ng ugat dito pero waley parin ang sahod. Samantalang never namang nalugi ang kumpanya."

Ehemmm.....

Napatigil ang mga ito sa kunwari'y umubo sa kanilang likuran.

@_@

Si Mrs. Trinidad!

"G-good morning ma'am!" Nagduet pa ang dalawa sa sinabi sa sobrang gulat.

"Hi.."Ngumiti ito sa kanila na animo'y walang narinig.

"Who's my husband's new secretary?"
Casual nitong tanong.

"Ako po ma'am"Nagtaas agad-agad si Lea ng kamay.

"Busy ba siya? Can you tell him that I am here for a visit please?"

"Oh, there's no need for that ma'am.. Sasamahan ko ho kayo ma'am."
Agad na saad ni Leah.

"It's good to see you again po ma'am. I'm sure the president will be very happy to see you at his office. Leah, samahan mo na si ma'am."

Utos pa ni Sandra kay Lea.

Palastik!

Pagkapasok ni Andrea sa office nito ay nadatnan niya ang lalakeng nakatalikod sa kanyang lamesa. Salamin ang likod niyon at tanaw niya ang tanawin ng syodad sa labas. Halatang napakalayo ng iniisip nito at hindi na niya napansin ang pagbukas ng kanyang pintuan. Bagay na ikinatuwa naman ni Andrea dahil as usual, hindi nanaman siya kumatok bago pumasok.

"Anlaki ng syodad no?"

Nagulat si Paul ng makita kung sino ang kanyang katabi na animo'y nakatanaw din sa labas ng building.

"What are you doing here?"

I'm letting you go...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon