"Ma, ikakasal na ako... I know galit ka kasi panandalian lang to. Maybe it’s time for me to grow at patunayan kay papa na may sarili na akong buhay and I deserve whatever you left for me. Ma, those were all yours. Gusto kong ipaglaban yun kahit takot ako sa pwedeng mangyari after this. At least dad will realize, hindi kasal ang pundasyon ng isang pamilya kundi pagmamahal. Ma? Paul doesn't love me..... ayokong matulad sa inyo ni dad. Bawat gabi, nakikita kitang umiiyak sa hindi ko malamang dahilan and I hated dad for that but you keep telling me he loves us. God knows how much I wish to understand you and dad, pero hanggang ngayon punong-puno parin ako ng tanong. Now here it comes, ikakasal din ako sa taong hindi ako mahal and is just for business. Paul deserves to be happy with someone he loves. At hindi ako yun..”
Tuloy-tuloy ang pagpatak ng kanyang mga luha habang nakaupo sa harap ng puntod ng kanyang ina. Ito ang madalas niyang gawin kapag may pinagdaraanan siyang problema.
It’s Sunday at marami pa sanang tatapusing trabaho si Paul ngunit hindi siya makapag-concentrate sa trabaho. Two days to go and he’ll be married.
He’s phone is ringing. It’s Annie.
Huminga muna ito ng malalim bago ito sagutin.
“Hon? “
“Kailan mo ako balak kausapin? Kapag nakatali kana?”
“It’s not time to fight Annie. Alam mong marami akong iniisip.”
“Gaya ng alin? Ng kasal mo? Congaratulations!”
“Hon, I’m sorry..-
Pero binabaan na siya nito ng phone. Nagpasya itong puntahan nalang ang dalaga since he knows they really need to talk.
Si Annie ay nakilala ni Paul when he was in High school. He studied on a Private school kung saan ang kumpanya ng kanyang mga magulang ay isa sa mga sponsors ng kanilang paaralan na tumutulong sa mga batang walang kinilalang pamilya. May department iyon para sa mga batang galing sa bahay ampunan. Dito niya nakilala si Annie Javier. Isa sa mga batang nakapagtapos ng secondary dahil narin sa scholarship na bigay ng mga negosyanteng mayayaman kabilang narin ang pamilyang Montemayor.
Hindi naman ipinagbabawal ng Presidente ng paaralan na makisalamuha ang mga bata mula sa orphanage sa kanilang mga mayayaman ngunit ilang ang mga ito na hindi sila pare-pareho ng estado sa buhay. Tanging si Paul lamang ang makulit na laging tumatambay sa kanilang department.
<Way back into Paul and Annie’s love (2004)>
“Annie! Can I seat down for a while?”
Malambing ang boses ni Paul habang nakangiti kay Annie na nagbabasa ng libro sa silong ng punong kahoy. Walang masyadong tao roon dahil nga hindi sanay si Annie sa mataong lugar. Gusto nito laging mapag-isa.
Eto nanaman tong makulit na to. Nagpatuloy lang ito sa pagbabasa.
Nagulat ito ng biglang may iabot sa kanya ang binata.
For you…” Isang tangkay ng white rose ang kanyang hawak.
Nagulat si Annie at hindi nakapagsalita.
BINABASA MO ANG
I'm letting you go...
RomanceIt was just an arranged marriage that will only last for six months. Will he give her a chance to turn that 6 months into forever? If she's ready to fight, does she really have the right?