_________READ THEN VOTE IF YOU LIKED IT :D _____________________
Hindi naman siya tanga para hindi niya maramdamang nagkukunwari lang ang babae sa sinabi.
Hindi ako ang pumapasok sa kuwarto ng lalake! Ako ang pinapasok!
I dated a lot of guy! And you’re not even an inch compared to them!
Paulit-ulit niya iyong naririnig at hindi niya alam kung bakit parang gusto niyang sumuntok ng tao. Nakapamewang si Paul habang pabalik-balik ng lakad sa loob ng kanyang kuwarto. Muli itong umupo at nag-isip kung bakit niya hinalikan ang babae. Or should it be, binastos ang babae na hindi naman niya ganon kakilala.
Dapat lang yun! She deserves it!
Kunot ang kanyang noo at hindi makapaniwalang na-aapektuhan siya sa nangyari.
That was just a kiss, and it’s normal in US. I bet she know that!
That’s what his brain tells him. Pero bakit parang may kirot at galit siyang nararamdaman na parang gusto niyang umbagin ang sarili kapag naa-alala niya ang kanyang ginawa kanina lang. Na kahit ganoong klaseng babae man siya, ano bang karapatan niya para husgaan ito at puwersahing halikan. Bakit parang gusto pa niyang patunayan na mali ang kanyang mga narinig at ayaw niya iyong paniwalaan. Magsisi man siya ay alam niyang nasaktan na niya ang babae when he saw her cry and beg for some respect.
Anong karapatan ko para gawin yon? Hayts!
Bakit ba kasi masyado siyang naapektohan? Bakit parang gusto nitong pumatay ng tao sa narinig mula sa babae?
Mas nakaramdam pa ito ng guilt nang humarap siya sa bintana at nakita niya ang upuang pinagpatong nito na ginamit ata ng babaeng tung-tungan. Natawa pa siya ng may nagpop-up na imahe ng umaakyat na babae sa kanyang pintuan. Napasmile pa siya na sinundan pa ng mahinang halakhak ng ma-imagine pa niya ang itsura ng babae kanina na kamuntikan ng mahulog sa labas ng bintana.
Natuwa pa siya ng ma-alala ang pagkakayakap niya sa bewang nito kanina lang at ang pamumula ng pisngi ng babae na halatang hiyang-hiya sa kanya.
That was already too much Paul! Nagkunwari kapang tulog at pinahiya mo pa siya. Hindi kapa nakontento.
Napakasama ko…
He finally admitted. He was wrong.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sapo ni Andrea ang kanyang ulo ng maramdaman niya ang sakit niyon. Medyo madilim na ang loob ng kanyang kuwarto ng imulat niya ang kanyang mga mata. Ilang oras din pala siyang nakatulog at ramdam narin niya ang pangangalam ng kanyang sikmura.
BINABASA MO ANG
I'm letting you go...
RomansIt was just an arranged marriage that will only last for six months. Will he give her a chance to turn that 6 months into forever? If she's ready to fight, does she really have the right?