________________Sorry sa latency ng pag-update!____________________
tok! tok! tok!
"mam, ser! handa na po ang inyong tanghalian."
Bumalikwas si Andrea mula sa pagkakahiga ng marinig ang boses ni manang Luring."Ser, aalis na ho ako."
Muling saad ng matanda na ang buong akala nito ay magkasama sila sa loob. Sabado ngayon at hindi pumasok si Paul. Nung nagdaang weekend ay nasa office lang din kasi ito kaya hindi tuloy nila napaghandaan ang bagay na ito ngayon.Napatingin si Andrea sa orasan. 11AM na. Halft day lang kasi si Manang Luring kapag sabado at day-off nito tuwing lingo kaya naman nagpapa-alam na ito. Nakaramdam naman ito ng awa sa matanda na alam niyang mahihiya itong kumain muna bago umuwi kung hindi pa siya bababa.
"Ah manang hintayin niyo na po muna kami at sabay na ho tayong kakain. Mauna na po kayo sa kusina."
Tugon nito sa matanda."Sige po mam. Maghahanda na po ako."
Naramdaman ni Andrea na pababa na si Manang Luring. Naghintay pa siya ng ilang minuto saka binuksan ang pintuan ng kanyang kuwarto. Nang makita niyang wala na ang matanda ay dali-dali niyang tinungo ang kuwarto ni Paul.
Pinihit niya ang door knob niyon at sinikap niyang hindi lumikha ng kahit na anong ingay.
Shit! Naka-lock pa! Paano na? Baka makalimutan niyang andito si manang! Baka bigla siyang magising!
Hindi niya alam kung ano ang susunod na gagawin. Nag-isip siya ng puwedeng paraan para magising ang lalake. Bumalik siya sa kanyang kuwarto at saka kinuha ang kanyang phone.
Riinngggggg...... Riiinnnngggggg.....
Pero hindi ito sumasagot. Nakailang dial na siya pero wala paring sagot ang lalake. Nakalimutan narin niyang naga-away lang sila kanina. Ano ba kasing naisip niya at nilock pa niya ang kanyang kuwarto?
Lumabas siya ng bahay ng makaisip ng paraan para magising ang lalake.
Kasalukuyan siyang nasa tabi ng pool at hinihila ang upuan roon para gawing tung-tungan.
Tumuntong siya roon ng marahang-marahan para hindi makagawa ng kahit na anong ingay. Nakaramdam pa siya ng pagkadismaya ng hindi manlang niya abot ang veranda ng kuwarto ni Paul.
Grrrrrr........
Nakakita siya ng pangalawang paraan.
Kinuha pa niya ang isang maliit na upuan saka ipinatong pa roon para mas tumaas ang kanyang tutung-tungan.
And finally! Abot na niya ang maliit na fence niyon. Medyo may mga alikabok na nga iyon dahil hindi naman nila pinapalinis. She was surprised ng malamang bukas ang bintana. Marahil ay binubuksan iyon ni Paul minsan para pagmasdan ang labas dahil isa naman talga ito sa mga kinahihiligan niya. Ang mamuni-muni.
Namroblema siya ng maalalang abot lang niya ang bintana ngunit hindi niya tanaw ang loob.
Tsk! bahala na!
BINABASA MO ANG
I'm letting you go...
RomanceIt was just an arranged marriage that will only last for six months. Will he give her a chance to turn that 6 months into forever? If she's ready to fight, does she really have the right?