Rainy days of Paul...

348 8 0
                                    

_______Sorry sa late update! :D ________

BLAAAGGGGGG!!!!!!

Punong-puno ng galit na ibinalibag ni Andrea ang pintuan ng kanyang kuwarto pagkapasok niya roon.

"Nilunok ko pride ko! Hinarap kita and I told you I'm no longer angry pero ni wala ka manlang reaksyon impakto ka!"

"Grrrrrrrrrr........."

Ibinato nito ang kanyang shoulder bag sa kanyang malaking kama.

"Ano ba kasing nakain ko at ako pa ang pumunta roon para magsorry, magthankyou at magpasama sa labas!"

Kinakausap niya ang kanyang sarili habang sinasabunutan niya ang kanyang sariling buhok. Nababaliw na ata siya sa kanyang ginawa.

Nakakahiya ka Andrea!!!

Muli niyang bulong sa sarili saka umupo sa gilid ng kanyang kama.

And so what kung wala siyang reaction sa nasabi ko?

Tsk! kausap lang niya GF niya ganun na?

Eh anu naman Andrea kung kausap niya GF niya? Ano bang pakialam mo?

Hayy.. Ewan ko ba! Bakit biglang nanikip yung dibdib ko nung marinig ko ang usapan nila!

Pakiramdam nito'y nahati sa dalawa ang kanyang isip at kusang nagu-usap.

OMG! Tinutop niya ang kanyang mga labi.

Andrea nagseselos ka!

No! No! No! As in NEVERRRRRR!!!!!

Napatayo siya mula sa pagkakaupo at hindi niya namalayang sumisigaw na pala siya mag-isa.

Tok! Tok! Tok!

"Ma'am Andrea? Okay ka lang ba? Ano pong nangyayari bakit po kayo sumusigaw?"

Si manang Luring, ang kanilang katulong.

"Ah eh, okay lang ho ako manang! huwag niyo ho akong alalahanin."

Mabilis naman niyang tugon sa matanda.

"O siya sige, bumaba kana at nakahanda na ang iyong tanghalian."

"Salamat po"

Huli nitong tugon ng maramdamang pababa na ulit ng hagdan ang matanda.

Hayyyy... ano ba kasing iniisip ko?

Muli siyang naupo.

In love ka! Period! Muling dinig niya sa isang sulok ng kanyang isip.

Ayan ka nanaman eh! Tigilan mo nga ako! Hindi mangyayari yun! Maraming dahilan kung bakit kaylangan kong tiisin ang lahat ng ito! May mga bagay akong mas dapat unahin. kaya tigilan mo ako! Umayos ka!

I'm letting you go...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon