Kanina pa pinipindot-pindot ni Andrea ang remote control ng TV na akala mo'y may hinahanap na channel kahit kanina pa naman ito pabalik-balik lang. Wala na kasi siyang ibang ginawa kundi kumain at matulog magmula ng iyuwi siya ni Paul galing ng hospital. Pinatay niya ang TV ng wala na siyang mapanood na maganda at nagpasyang umakyat nalang at matulog.
Napangiti siya ng maya-maya bigla ay may naisip siyang puwedeng gawin para hindi siya mabore. Tinungo nito ang banyo saka naligo at nagbihis.
.
.
.
.
Abot hanggang tenga ang ngiti ni Alen habang pa-pasok sa Art Gallery Museum ng kanyang Tita Lotte. Dito ito madalas magpunta kapag nangangailangan ito ng tulong o pera na hindi niya magawang hingiin sa kanyang mommy. Palibhasa masyado siyang spoiled sa kanyang tita.
"Hi Tita, my ever gorgeous Tita!"Lumapit siya dito saka hinagkan sa pisngi. Nasa kuwarenta anyos na ang babae ngunit tila nasa late 30's parin ito dahil sa kanyang kakaibang pananamit at pananalita.
"Alen.. my baby.."Yumakap pa ito sa kanya na halatang namiss niya ito.
"You missed me tita?"Tanong nito kahit madalas naman silang magkita sa US dahil pabalik-balik naman ang kanyang tita roon para bisitahin sila ng kanyang mommy.
"Of course hijo. Come to my office, kumain kanaba? How's your mom?"
"She's fine. Sobrang busy. Buti nga pinayagan niya akong magbakasyon. Pero as usual tita, magaling paring manermon."
Saad nito at sabay na silang pumasok sa maliit na office ng kanyang tita.
Hindi gaanong kalakihan ang museum ngunit madalas ay maraming nagpupunta rito para bumili ng mga artworks ng kanyang Tita. Minsan ay nagkakaroon din dito ng auctions para sa mga paintings ng mga bata mula sa ampunan. Minsan ay exhibit naman ng mga sculpture, decorative arts, furniture at textile mula sa mga kilalang artist sa bansa ang idinaraos dito.
"So tell me hijo, anong naisipan mo at nagbakasyon ka dito pa sa Pilipinas?"Nagsalin ito ng juice sa kanyang baso at pinaghiwa siya ng cake galing sa kanyang mini refrigerator. Dito ito madalas mag-stay kaya kumpleto ang office nito sa gamit.
"Paul got married Tita, yung kaibigan ko nung college sa US. Kahit hindi ko inabutan, at least we saw each other. Si mama kasi eh, ayaw akong payagan that time. Saka para makapagrelax narin."Saka ito sumubo na akala mo'y gutom na gutom.
"Umm.. Paul got married, Yes I was there. I was invited. Ang usap-usapan, matagal na niyang girlfriend yun at matagal na silang engaged. It was an arranged marriage between their family. And good thing they like each other."
"W-wait. What?" Kamuntikan pa itong masamid sa kinakain ng marinig ang pahayag ng kanyang tita. Dali-dali itong uminom ng juice para malunok iyon.
"I was there also the night that he proposed to her in front of the people. Gosh! if you saw him did that? Parang hindi siy yung college student dati na kasa-kasama mong seryoso at ayaw ngumiti."Dagdag pa ng kanyang tita. Of course her tita was there. Isa ito sa mga pinaka-kilalang exhibitor ng mga art pieces sa syodad.
"Ikaw hijo? When are you going to settle? Your not getting any younger!"
"Ah, Tita. Ano pong arranged marriage ang sinasabi niyo? Si Paul? Sa anong pamilya?"
BINABASA MO ANG
I'm letting you go...
RomanceIt was just an arranged marriage that will only last for six months. Will he give her a chance to turn that 6 months into forever? If she's ready to fight, does she really have the right?