"I ONLY ask one thing." Giit ng lalaki na nakatayo malapit sa pintuan.Duguan ang lalaki na walang malay kung titingnan ng mabuti ay hindi na ito himihinga na nakahandusay sa sahig at sapo naman ng babae ang kanyang tagiliran dahil lumalabas ang dugo nito.
"Is for us to be together Aila, but what did you do? You left me para sa isang lalaking walang kwenta." Humarap ito sa kanya.
"H-hindi kita mahal Anton at hinding hindi kita mamahalin!" Hirap na sabi ng babae.
"Binigay ko sayo lahat lahat Aila! Hindi pa ba sapat ang lahat ng yon?!" Matigas na sabi ng lalaki.
"K-kahit kailan hinding hindi kita mamahalin!" Kahit nahihirapan ay gusto paring ipamukha ng babae sa lalaki na wala itong nararamdaman para dito.
Napatingin ang babae sa bandang itaas nang marinig ang pag iyak ng kaisa-isa niyang anak na lalaki, dahil doon ay tumingin din ang lalaki sa itaas na kinaalarma ng babae.
"D-don't you dare hurt my son Anton!" Matigas na sabi ni Aila.
Gumalaw ang lalaki at lumapit patungo sa hagdan, lingid sa kaalaman ni Anton ay may gunting na hawak si Aila mula sa kanyang likuran, biglang tumayo si Aila at kahit nahihirapan ay patakbo siyang pumunta kay Anton ngunit nang makalapit ito ay niyakap niya si Aila at biglang sinaksak sa tiyan, alam ni Aila na hindi ito magdadalawang isip na saksakin siya pero itinaas niya ang gunting at tinarak niya ito sa likuran ni Anton.
Dahil sa ginawa niya ay nagulat ito pero hindi pa tapos si Aila dahil muli niyang binunot ang gunting pagkatapos ay muli niya itong sinaksak but this time it's even deeper. Wala nang ibang tinig ang maririnig sa loob ng bahay kundi ang pag iyak ng tatlong taong gulang na si Danielle, bumagsak sa sahig ang parehong wala nang buhay sina Anton at Aila.
16 years later
Hindi nag atubiling tumulong ni Denny sa paggawa ng project ng pinsan niya nang hingin nito ang tulong niya.
"Sa susunod kasi Trev sabihin mo kung may project kayo or whatsoever na mahirap para hindi ka gagawa ng project mo on the spot." Sermon niya sa pinsan.
"Oo na sige na sasabihan na kita nakalimutan ko lang naman eh."
"Wag ka kasing absent minded."
Matapos niyang tulungan ang pinsan sa paggawa ng project ay nag last minute ito ng pag submit sa guro, nilayasan na niya ito saka pinuntahan ang best friend niyang si Avah.
"Malapit na pala ang business report natin feeling ko drain na drain na ako." Giit ng kaibigan habang sapo ng dalawang kamay ang noo nito.
"Ano ka ba Avah wag kang mag isip ng negative lalo ka lang mai-stress niyan eh."
"Madali lang kasing sabihin para sayo kasi matalino ka."
"I'm not smart Avah, hindi lang welcome sa buhay ko ang mga negative thoughts and I hope you'll do the same thing."
"Ewan ko ba pakiramdam ko mahahati ang ulo ko sa kaiisip."
"Wag ka kasing mag isip masyado hayaan mo tutulungan kita, business is my specialty."
HALOS malaglag naman ang mga panga ng mga babae habang pinapanood nila ang paglalaro ng basketball ng grupo nina Blake sa loob ng gymnasium. Halos mga kababaihan lang ang nandoon meron din namang mga gay na nanonood, sino ba naman ang hindi manonood na naglalaro ang kanilang mga crush.
Mga varsity player ang naglalaro, free time nila kaya naglalaro na lang sila para palipasin ang oras, nang maka three point shoot si Blake ay biglang naghiyawan ang mga kababaihan sa loob ng gym na akala nila ay isa itong competition.
BINABASA MO ANG
Let Me Go
RomanceDenny believed that love will not give anything positive results and will always ends up in disaster, iyon ang paniniwala niya pero nawala ang paniniwala niyang iyon nang makilala niya si Blake. Nang nagkatuluyan silang dalawa ay akala niya ay masay...