Chapter 6

188 14 1
                                    


"HE'S BACK pare!"said Blake with excitement.

Hindi naman makapaniwala sina Arvie at Ryan sa sinabi ni Blake, nagbalik na talaga si Denny sa Del Mundo? Kaya nagtaka bigla ang dalawa dahil biglang sumigla ang itsura ni Blake, kasalukuyan silang nasa bahay ni Arvie, pinapunta niya ang dalawa para mag inuman, hindi naman nakarating si Steven dahil abala ito sa pag aasikaso  para sa birthday ng anak bukas.

"No way?! What does he looks like now?"interesadong interesado na malaman ni Ryan kung ano na ang naging itsura ni Denny.

"He's different now, he's even gorgeous than before, ang laki ng pinagbago niya kahit na kayo eh hindi niyo makikilala si Denny."paliwanag niya.

"Well that must be the result of your mistake."sabi ni Arvie.

"Mukhang naka move on na si Denny sayo, hindi naman yon babalik dito kung hindi pa diba?"dagdag pa nito.

"When I saw him earlier, nabuhay muli ang pag asa sa puso ko na magbabalikan kami."

"Malabo."Arvie.

"Malabo? Bakit?"Blake.

"Baka may boyfriend na yon."parang nabingi si Blake sa sinabi ni Arvie. Si Denny may boyfriend? Pssh impossible, or maybe.

"Don't get me wrong pare, hindi sa ayaw kong magbalikan kayo ang sakin lang eh baka it's time for you to move on."dagdag pa ni Arvie.

Pero umiling siya.

"No, hangga't may pag asa pa sa puso ko, hindi ako titigil sa pag hihingi ng tawad ko kay Denny."

Tinapik siya ni Ryan sa balikat.

"Hindi ka nag-iisa, tutulungan ko kayong magkaayos ni Denny, malaki ang naging papel ko kung bakit naghiwalay."giit ni Ryan.

"Thanks pare."

"For Denny."tinaas ni Arvie ang bote ng beer.

"For Denny."ulit ng dalawa saka nag cheers sila.

KINABUKASAN ay masiglang masigla si Blake, nag ayos siya ng todo dahil alam niyang pupunta si Denny, kailangan niyang paghandaan ang araw na ito dahil pagkakataon na niya para makausap ng masinsinan si Denny.

Nagulat sina Steven at Avah dahil eight thirty pa lang ng umaga ay nandoon na siya at masaya siyang sinalubong ng inaanak. Tuwang tuwa ang bata nang matanggap ito ang regalo niya, hindi pa niya ito pinabukas para masorpresa ito sa laman.

"Blake, masyado ka atang napaaga?"tanong ni Steven sa kaibigan, nahalata naman agad ni Steven ang masayang aura sa mukha nito.

"Yeah excited lang ako na ibigay sa inaanak ko ang binili kong regalo."masayang giit niya.

But Steven looked at him very differently, alam niyang hindi dahil sa anak niya kung bakit excited ito, kilala niya ito, something's strange about his friend and he's waiting something to happen. Nilibot ni Blake ang mata niya sa paligid, he's expecting someone to be there ahead of him pero wala ang taong inaasahan niya, gusto niyang tanungin si Steven about Denny pero sinarili na lang niya iyon, dahil kung may alam ang mga ito na naka uwi na si Denny ay sasabihin agad ng mga ito sa kanya.

As the time passes by, nagsimula na ang party ni Danielle, lahat ay nandoon, Avah's old friend, ang magkakaibigan na sina Ryan, Arvie and Blake. Kasama nina Arvie ang mga girlfriends nila, isa na lang ang kulang. Si Denny.

"Dude darating ba si Denny?"pabulong na tanong ni Ryan.

"I think so."he replied.

"Fifteen minutes na since the party started, sigurado ka ba?"tanong naman ni Arvie.

Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon