Chapter 10

137 12 5
                                    


MAAGANG nagluto si Denny ng hapunan. Kailangan pa ni Blake na uminom ng gamot para tuluyan nang gumaling.

While cooking hindi inaasahan ni Denny ang pagbaba ni Blake. Dahil dito ay natigil sa pagtitimpla ni Denny sa niluluto niya.

"Blake you shouldn't get out of your room. Baka mabinat ka niyan."giit niya na may pag-aalala sa tono.

"Sorry I got bored kakatingin sa kisame, medyo maayos ayos naman ang pakiramdam ko. Parang mas lalo pa ata ako magkakasakit kakakulong sa kwarto eh."

Nagkibit balikat na lang si Denny.

"Looks like masarap yang niluluto mo ah. I can't wait to eat. Paniguradong bibilis ang paggaling ko nito."ani Blake.

Bahagyang tumaas ang labi ni Denny, umandar kasi ang pagiging bolero ni Blake. Even though pabiro itong magsalita pero alam niyang totoo ang sinasabi nito.

"Well dapat lang, I need to fix something sa company. But don't worry you can stay here hanggang sa gumaling ka."

Hinila ni Blake ang silya saka umupo habang tinitignan si Denny na nagluluto. Kung hindi sana sila naghiwalay malamang hindi lang sa pagmamahal mabubusog si Blake. Pati na rin ang tiyan niya ay mabubusog palagi.

Blake cleared his throat.

"Denny ‘wag mo sanang mamasamain ah. May itatanong lang sana ako sayo."

"Hmm?"

"W-when you're at Singapore. Nagkaroon ka ba ng boyfriend?"

Denny stopped stirring at tumingin nang deretso. Hindi siya lumingon kay Blake saka nagsalita.

"Well I have a lot of suitor back then. Even until now, but I turned them all down."bumalik siya sa pagtimpla.

Ngumiti naman si Blake sa narinig.

"But I had a boyfriend. Only one."nalusaw ang ngiti sa labi ni Blake. He's confused about what Denny said. Siya ba ang tinutukoy nito o may iba pang lalaki na naging nobyo nito?

"Pero hiniwalayan ko din siya. Hindi ko naman kayang gawin siyang panakip-butas sa pinagdaanan ko."nagpakawala ng buntong hininga si Denny.

"I don't want to take him for granted kaya hiniwalayan ko siya."kinuha ni Denny ang malaking tasa saka sinalin niya ang mushroom soup.

Blake was amazed about what Denny said. Even though mukhang naging intimidating si Denny at parang wala nang pakialam sa mundo ay hindi ito naging insensitive sa nararamdaman ng ibang tao.

"Pero matagal na ‘yon. It was a year ago and I know that he's over me already."he lied, because even until now, Gino is not yet over him.

"Sorry if I brought that up."paghihingi niya ng paumanhin.

"That's okay. Nakaraan na ‘yon and I think hindi na dapat ‘yon nakakasagabal sakin."dinala ni Denny ang soup sa mesa. Blake is hoping that Denny would smile a little bit to alleviate his feelings. Ngunit bigo siya dahil alam niyang pilit ang ngiting pinapakita ni Denny sa kanya kanina.

Naghanda na si Denny sa mesa dahil sasabay na si Blake sa kanyang kumain, medyo maayos ayos naman ang pakiramdam ni Blake kaya hindi na siya mag aabalang dalhan ito ng pagkain sa taas.

Habang kumakain ang panay ang sulyap ni Blake kay Denny. Nasa tapat niya ito at hindi napapansin ni Denny na sumusulyap si Blake sa kanya dahil abala ito sa pagsubo sa pagkain.

"Thanks Denny."sambit ni Blake. Tumingin ng saglit si Denny sa kanya pero kaagad ding binaling ang atensyon sa pag kain.

"It's nothing."pagpapatuloy niya sa pag kain.

Let Me GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon