HANGGANG NGAYON ay wala paring natatanggap na tawag si Blake tungkol kay Denny. Bawat araw na lumipas ay lalong nanghihina si Blake. Parang buhat buhat niya ang isang malaking bato at gusto na niyang sumuko. Natigil ang pagmumuni muni ni Blake nabg biglang may bumukas ng pintuan ng opisina niya."Blake!"
"For Christ sake Trevor, can you knock? Bakit ka ba kasi humahangos?"
"There's something you need to know. Nakatanggap ako ng letter about a certain transactions on Denny's ATM. May nag withdraw ng pera sa ATM ni Denny at lahat ng pera ni Denny ay kinuha."
Napatayo si Blake sa sinabi ni Trevor, "what? S-so kung may nag withdraw ng pera... I-ibig sabihin ay... Buhay si Denny?" Halos mautal si Blake.
"Hindi pa natin alam kung buhay si Denny. Iisa lang ang ibig sabihin nito. May nakakita na kay Denny."
"S-saang lugag nangyari ang withdrawal?"
"Sa San Isidro."
"San Isidro? Ang layo ng lugar na iyon ah. We have no time Trevor let's go." Hindi na nasuot ni Blake ang coat niya dahil nagmamadali siya.
Hindi na mapakali si Blake habang nagmamaneho siya. Halos hindi na niya pagtuunan ng pansin ang pagmamaneho sa kakaisip kay Denny. Ito na ba ang araw na muli silang magkikita? Parang mabibingi na siya dahil sa lakas ng tibo ng kanyang puso.
"Paano napunta ang ATM ni Denny sa San Isidro? Aba halos sa labas na ito ng Del Mundo ah." Sabi ni Trevor.
"Let's just hope na makikita natin si Denny doon."
"I'm just thinking. Kung nagamit ang ATM ni Denny which means that somebody must've found him. Pero bakit sa San Isidro pa?"
"The river must've brought him there pero parang imposible na maka survive siya dahil sa layo ng narating niya." Dahil sa sinabi ni Blake ay napatingin sa kanya si Trevor.
"Y-you mean.."
"Yes Trev, I'm open on that possibility."
"I'm not losing my hope Blake. We're almost there at makikita natin si Denny. Remember that."
Tumango si Blake. Halos dalawang oras ang naging biyahe nila ni Trevor hanggang sa wakas ay nakatuntong na sila sa San Isidro. Just like the other barangays, simple lang ang lugar na ito. The usual rural place. Nagsimula na silang magtanong kung saan saan hanggang sa mapadpad sila malapit sa dagat. May nakasalubong silang babae na sa tantiya nila ay nasa edad kwarenta na.
"Magandang araw po, manang puwedeng magtanong?" Nauna si Trevor.
"Magandang araw din. Ano ba iyon?"
"Magtatanong lang sana kami kung may nakita kayong tao kamukha nito." Pinakita ni Blake ang picture ni Denny sa cellphone.
Sumingkit ang mga mata ng babae habang kinikilatis ang mukha ni Denny, "ay oo siya."
Kumislap naman ang mga mata ni Blake, "t-talaga ho? S-so nakita niyo siya?"
"Oo, doon siya nakatira kina Banjo at Elsa. Nako pero wala sila diyan sa bahay hindi namin alam kung saan napunta."
Nagkatinginan sila ni Blake at Trevor. How unfortunate for them at lumayo nanaman sila kay Denny.
"Pero sa palagay ko naman eh babalik din sila." Dagdag pa ng babae.
"Saan po ba sila nakatira?" Tanong muli ni Blake.
"Ayun lang o matatanaw niyo lang mula dito. Yung bahay na may lambat na nakasabit sa tabi tapos may bangka iyon ang bahay nina Banjo at Elsa." Turo ng babae sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/156246113-288-k716471.jpg)
BINABASA MO ANG
Let Me Go
RomanceDenny believed that love will not give anything positive results and will always ends up in disaster, iyon ang paniniwala niya pero nawala ang paniniwala niyang iyon nang makilala niya si Blake. Nang nagkatuluyan silang dalawa ay akala niya ay masay...