BIGLANG NABUHAY ang kaba sa dibdib ni Avah. Hindi niya malaman ang dahilan pero sa pakiramdam niya ay may mali, hindi lang niya ma point out kung ano. Karga karga niya si Danielle ngayon, nakatulog na ito kaya tinawagan niya ang yaya at pinadala sa kwarto. Pumunta siya sa kusina upang uminom ng tubig dahil pakiramdam niya ay nanunuyo na ang lalamunan niya. Bumalik siya sa sala at sakto naman at pumasok si Steve."O hon what's wrong?"tanong nito nang makita sa mukha sa asawa ang pag aalala.
"H-hindi ko alam Steve pero parang may mali."
"Mali? How come?"
"I don't know.. Something's wrong."
"Hon you're creeping me out. Ngayon lang kita nakita na nagkakaganyan, can you please settle down?"
Umupo si Avaha sa sofa, "tumawag ba si Denny?"
"No I don't think so."
"Baka naman kung ano na ang nangyari sa kanya. Hindi ko alam pero kakaiba ang kutob ko."
"Avah honey I'm sure Denny is..."hindi na nagsalita si Steve nang mag ring ang cellphone ni Avah.
"Doing fine."dagdag nito.
Kaagad na sinagot ni Avah ang tawag, "hello?"
"Hello? Kayo po ba si Mrs. Avah Montecillo?"
"Ako nga bakit?"
"Kayo po ba ang kaibigan ni Danielle Harris General?"
"Y-yes, ako ang bestfriend niya."
"Nasa ospital po siya kasama ang isang lalaki."
Nanginig ang mga kamay ni Avah nang marinig ang sinabi sa kabilang linya. Gustong mahimatay si Avah sa sobrang pag aalala sa kaibigan.
"S-sang ospital?"
"Dito po sa Quentin Park Hospital."
Pagkasabi ng lalaki sa kabilang linya ay tumingin siya kay Steve. Nabigla ang asawa nang makita ang luha sa mga mata ni Avah.
"H-honey what's wrong?"
"We have to go to Quentin Park Hospital. S-si Denny, Steve!"
"What happened?"
"H-hindi ko alam! Kailangan na nating pumunta sa ospital."
Kaagad na tumayo si Steve saka kinuha ang susi ng kotse saka umalis na sila. Halos mag hari ang sasakyan ni Steve sa daanan dahil sa bilis ng takbo nito. Alam niyang sobra sobrang nag aalala ang asawa sa kaibigan nito. Nang makarating na sila sa ospital ay walang paalam na bumaba si Avah sa sasakyan saka mabilis na tinungo ang reception area.
"Miss saan si Danielle Harris General?" Halos masuntok na niya ang harapan ng receptionist.
"M-Ma'am nasa operating room pa po siya-"hindi na niya pinatapos ang nurse dahil umalis na siya agad.
Lakad takbo ang ginawa niya hanggang sa makaabot siya sa operating room. Nakita niya ang dalawang pulis na nasa labas marahil ay hinihintay siya ng mga ito.
"S-Sir yung kaibigan ko? A-anong nangyari?"garalgal na tanong ni Avah.
"Ma'am may tao pong nanloob sa bahay ng kaibigan niyo at tinangka pong patayin ang kaibigan niyo at ang isang lalaking kasama nito."
Nag uunahan ang mga luha ni Avah sa pagbagsak. Sino naman kaya ang taong gustong patayin ang kaibigan niya? Kahit na nag iba ang ugali nito ay walang naagrabyadong tao si Denny.
"S-sino po yung kasama niyang lalaki?" Si Steven na ang nagtanong.
"Sa pagkakakilala namin ay si Blakerson Sebastian po ang nakita naming kasama si Danielle na nakahiga sa daanan. Pareho po silang may tama ng baril."
BINABASA MO ANG
Let Me Go
RomanceDenny believed that love will not give anything positive results and will always ends up in disaster, iyon ang paniniwala niya pero nawala ang paniniwala niyang iyon nang makilala niya si Blake. Nang nagkatuluyan silang dalawa ay akala niya ay masay...