HINDI MALAMAN ni Denny kung bakit nabuhay ang inis niya nang makita niya kung pano kulitin ni Aika si Blake. Kung buhay lang ang pagkain sa harapan niya malamang double dead na ito dahil sa pagtusok niya dito nang paulit ulit. Nasa pagitan nila ni Aika si Blake, pinilit na kontrolin ni Denny ang sarili kahit na gustong gusto na niyang sabunutan si Aika dahil siya ang naiinis sa ginagawa nito kay Blake.Nakarating naman ang ama ni Blake na galing sa resort, pagmamay-ari din kasi nila ang isang resort dito sa Del Mundo. Natuwa naman ito nang makita sa wakas si Denny na matagal nang kinikuwento ni Blake.
"Denny hijo how's your company? Sa edad mo eh hindi kapani-paniwala na ikaw ang nagmamay-ari nito."sabi ni Alejandro na daddy ni Blake.
"My company is doing great tito, for now wala namang problema."
Sa magaling na pamamahala ni Denny ay wala pa namang naging complication sa kumpanya niya, kahit na nasa Singapore pa siya.
"Wala ka bang balak na i-expand ito anak?"tanong ni Esmeralda na kanina pa nakatitig sa kanya.
"Well wala pa naman sa isip ko ‘yan tita. Iniisip ko kasi na baka mawala na ako ng oras sa sarili ko kapag pinalawak ko pa ang business ko. Gusto ko pa namang i-enjoy ang kalayaan ko, saka ko na lang iisipin na palawigin ito kapag nagsawa na ako at handa nang mag-asawa."hindi inaasahan ni Denny na sasabihin niya abg huling katagang iyon. What's gotten into him at nasabi niya iyon? Halos mapatutop siya ng bibig nang masabi niya iyon.
"Why Denny? May balak ka bang mag-asawa?"nanunuksong tanong ni Trevor.
"Why Trevor? It seems like you were born yesterday. Lahat naman ng tao diyan tutungo diba?" Denny backfired at his cousin then he looked at Julia.
"You are adorable Denny, kaya pala ganon ka na lang ikuwento ni Blake sa amin."natatawang sabi ni Esmeralda.
"Mom!"parang bata si Blake saka bahagyang pinunasan ang mukha niya gamit ang palad niya. Pakiramdam ni Blake ay mapupunta na sa hot seat ang usapan nila.
"You really act like your mother Denny, ganyan din si Aila kung makapagsalita dati."ani Alejandro.
"You knew my mom?"
"Yes, we were friends back then, kaya nalungkot nga kami noong namatay siya. I'm sorry."giit ni Esmeralda.
"That's okay tita, I know that it was an accident."
Nagkatinginan sina Alejandro at Esmeralda sa huling sinabi ni Denny.
"I'm sorry hijo. Accident?"pagklaro ni Alejandro.
"Opo, my parents was killed in the fire. Nasunog ang bahay namin kaya sila namatay at ako lang daw ang nakaligtas."
Bumakas naman sa mukha ni Trevor ang matinding pag-aalala. Umiling si Esmeralda saka nagsalita.
"S-so hindi mo alam ang totoong nangyari?"
"Totoo? Anong totoo?"naguguluhan na si Denny sa sinasabi ni Esmeralda.
"Ang totoo na hindi sa sunog namatay ang mga magulang mo."sabi nito muli.
Parang na estatwa si Denny sa sinabi ng Ginang. Kung hindi namatay sa sunog ang kanyang mga magulang, ano ang dahilan?
"Ang totoo hijo, may nanloob sa bahay ninyo twenty one years ago. Pinatay ang mga magulang mo, not by accident."
"P-pero tita, ang sabi ni tita Adela namatay sa-"hindi tinapos ni Denny ang sinasabi nang tumingin siya kay Trevor. Nakita niya sa mukha nito ang takot na tila may ginawang kasalanan.
"Do you know anything about this?"
"Denny I--"
"Answer me!"tumaas nang bahagya ang boses niya, naramdaman niya na uminit ang mga mata niya.

BINABASA MO ANG
Let Me Go
RomanceDenny believed that love will not give anything positive results and will always ends up in disaster, iyon ang paniniwala niya pero nawala ang paniniwala niyang iyon nang makilala niya si Blake. Nang nagkatuluyan silang dalawa ay akala niya ay masay...