Denny on multimedia
-
SUMAPIT NA ang araw ng linggo at naghanda si Denny dahil sinabi ni Blake na susunduin siya nito. Kinakabahan si Denny dahil pamilya ni Blake ang haharapin niya. Paano kung magtanong ang mga ito sa kaniya ang tungkol sa relasyon nilang dalawa dati? Natitiyak niyang alam ng mga ito ang nangyari sa kanila dati. Tumigil lang siya sa pag iisip nang narinig niyang may bumusina sa labas ng bahay niya. Alam niyang si Blake iyon kaya tinapos na niya ang ginagawa niya.
Blake was astonished when he saw Denny opened the door, parang naririnig niya ang mga anghel na kumakanta nang makita niya si Denny. He look so innocent and gorgeous at pakiramdam niya ay nasa alapaap siya sa mga sandaling iyon. Denny looked so angelic with the white polo he wears with blue faded jeans and brown leather boots na hindi aabot sa tuhod ang haba. Denny snapped his fingers nang matulala si Blake.
"A-ayos lang ba ang itsura ko?"
Kumisap kisap si Blake at tila bumalik sa katinuan dahil sa tanong ni Denny.
"Are you kidding? You look.... Gorgeous.."
Malapit pa sanang mamula si Denny dahil sa papuri na binigay ni Blake, although sanay siya sa mga papuri pero bakit pag si Blake ang nag compliment sa kanya eh naiilang siya? There's something about this man that he can't see or feel to the other men he met.
"Sigurado ka? Hindi naman ata parang sa rancho ang punta ko sa suot ko?"
"Darling, you have no idea how stunning you are."pagkasabi ni Blake ay binuksan niya abg pintuan ng kotse sa tabi ng driver's seat. Pumanhik si Denny at pagkatapos ay pumasok na rin si Blake.
Napansin ni Blake na panay ang buntong hininga ni Denny habang nagmamaneho siya, kaya naman naisip niya na pakalmahin ito dahil alam niyang ninenerbiyos ito.
"Hey, it's okay there's nothing to worry about."
"H-huh? Worry? Tungkol saan?"painosenteng tanong ni Denny.
"Alam kong kinakabahan ka dahil makakaharap mo na ang pamilya ko. Don't worry they're nice at aligagang aligaga na ang nga pinsan ko na makita ka."
Napanatag ang kalooban ni Denny sa sinabi ni Blake kahit papano pero hindi parin niya maiaalis ang kaba sa kaniyang dibdib.
Pinarada ni Blake ang sasakyan niya sa tapat ng mansyon. Napansin agad ni Denny na maraming tao sa malawak na field sa tabi ng mansyon, ito na ata ang mga miyembro ng pamilya nina Blake sa tingin niya.
"Andiyan na ata si kuya Blake."giit ni Barry nang makita ang sasakyan na nakaparada sa labas.
Tumingin naman sa labas ang kapatid at mga pinsan ni Barry dahil sa sinabi niya.
Pinuno ni Denny ng hangin ang kaniyang dibdib pagkatapos ay bumaba ng sasakyan. Parang ipo-prosecute si Denny sa pakiramdam niya. Binuksan ng guard ang gate saka pumasok na silang dalawa. Nilagay ni Blake ang kamay ni Denny sa braso niya at sinabing doon humawak dahil parang bibigay na ang tuhod niya sa kaba. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili niya sa kabila ng mga tingin na binigay sa kaniya ng mga pinsan at kapatid ni Blake.
"Oh my.."sabi ni Rosette na nakababatang kapatid ni Blake.
"S-so it's really him."sabi naman ni Barry.
"I-is he a guy or a girl?"confused na tanong ni Erwan na pinsan ni Blake habang malayo pa sina Blake.
Tumigil lang ang pag uusap nila nang nasa harapan na nila sina Denny.
"Hi guys, uhm I want you guys to meet Denny."pagpalakilala niya dito.
Denny is expert on hiding his emotions kaya umastang parang hindi kinakabahan si Denny. Ngumiti siya at bumati sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Let Me Go
Roman d'amourDenny believed that love will not give anything positive results and will always ends up in disaster, iyon ang paniniwala niya pero nawala ang paniniwala niyang iyon nang makilala niya si Blake. Nang nagkatuluyan silang dalawa ay akala niya ay masay...